sa ilalim ng mga talang nagniningning
sa kalangitang madilim
sa dalampasigan ay sinubukang mahimbing
ngunit ang diwa ay nanatiling gising
sa musikang dulot ng marahas na hampas ng alon
kasabay ng tibok ng pusong taimtim sa panalangin
dumadampi ang malamig na hangin
nawa sa’yo ay maiparating ang hiling
na sa init ng bisig mo akoy mahimbing
Latest posts by K Em Ferrera (see all)
- Una - April 14, 2020
- Bless Your Enemy - April 14, 2020