fbpx

Tayo


 

Nagbabago ba talaga ang tao?

O sanhi ito ng mga bagay na yumayakap 

At sumisiil kanyang pagkatao?

 

Nagbabago ba talaga ang panahon?

O dahilan lamang ito para may masisi

Sa kalapastangang nararanasan

Ng ating Inang Kalikasan?

 

Nagbabago ba talaga ang mundo?

O sadyang winangis ito sa pagkataong

Humuhubog sa tao sa tuwi tuwina?

 

Nagbabago ba talaga ang tao?

O hinayaan lamang na magpasakop

Sa makasarili at makapangyarihang

Aninong patuloy na nabubuhay?

 

Nagbabago ba talaga ang tao?

Ang sila? Ang kami? At ang tayo

Monica Dabuet
Latest posts by Monica Dabuet (see all)