Ito, ay isang ordinaryong tula na nagnanais bigyang-diin ang kahulugan ng pag-ibig na hindi na titila.
Habang ang mga ulap ay malayang naglalapit sa isa’t isa,
Maging ang paghuni ng mga ibong palipat-lipat nang dinadapuang sanga,
At ang nauulinig na ingay ng mga batang gala,
Isama pa ang simoy ng hangin na talagang napakalamig sa aking pandama;
Narito ako, nakadungaw sa bintana.
Habang nagmamasid sa bawat taong dumaraan,
Ikaw lang naman ang nais kong makita’t maramdaman…
Na sa hapong ito, presensya Mo’y aking pinangungulilaan.
Ang mapangahas na hangin ay naging dahilan,
Kung bakit sumabog ang aking mahabang buhok sa mukha’t ito’y natakpan.
Dahan-dahan ko itong inilihis, at kasabay ‘non ang pagdating ng presenyang aking ninanais.
Inalayan ako nito ng kapahingahan.
Binigyan ng libu-libong dahilan para hindi panghinaan.
Lumipas ang sandali’y…
Bigla akong niyapos ng maiinit na yakap,
At tanging nadarama ko ay sarap na ‘di na mapaparam.
“Mahal kita.”
“Hindi kita iiwan. Hindi kita pababayaan.”
“Kasama Mo ako sa bawat takbuhin.”
“May plano Akong napakaganda, magtiwala ka lang.”
Ito, ay ang mga katagang tila ba naitaga hindi lang sa isipan, maging sa puso na nabuo’t patuloy na pumipintig para sa pag-ibig na walang hanggan.
Nang Ika’y lumisan,
Hindi nagawa ng puso ko ang tumangis sa harap ng magandang kalangitan.
At sa pagtatapos…
Gusto ko lang malaman na, ang pag-ibig Mo ay hindi nagkukulang.
Nang ika’y lumisan,
Lalo akong nabihag…
At natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakangiti sa kawalan,
Habang sinasariwa ang mga katagang Iyong binitawan.
- Pagdanak ng Huling Tinta - April 18, 2020
- Tagpo sa Kawalan - April 18, 2020
- Paalam - April 18, 2020