fbpx

SA kabila ng lahat lahat…


Ang pag tingin ko sayo ay di mag-iiba

Hindi ka man tuluyang magpakita 

Sa akin ay lubos Kong naunawaan

 Ng una palang Alam Kong ito ay sugal

Sugal na di ko pwedeng atrasan

Dahil Alam ko na tunay Ang aking nadarama

Ako sayo ay tuluyan ng nagpakababa

Tinanggap ko Ang katotohanang mayroon kanang iba

Sa pagnanais na makasama ka ay isinantabi ko Ang aking agam-agam

Ipinikit ko Ang aking Mata sa lahat ng bagay

Hindi ko inireklamo Ang pagod na aking nadarama

Hinati ko Ang oras ko at di nagpatinag sa distansya

Masaya nakong Makita ka at makausap ka

Sabihin man ng iba na Ang lahat ay kalokohan

Ngunit Alam ko na makikita sayong mga mata

Na ako ay iyong minahal ng tunay

Nakilala natin Ang isat-isa mula ulo hanggang paa

Wala na nga talaga tayong maitatago sa isat-isa

Distansya nalang natin talaga Ang siyang hadlang

Para tayong dalawa ay tuluyan ng magkasama

Hindi madali Ang lahat sakin ngunit tanggap ko Ang lahat-lahat

Bagama’t unang beses itong pangyayari saking buhay

Ay masaya akong makilala ka at Ang makapiling ka

Kahit sa sa ilang oras Lang ng aking buhay

Ay masasabi ko na abot kamay na ang relasyong inaasam

Ngunit Hindi nagtagal Ang lahat para sating dalawa

Alam natin na may masasaktan at mayroong masasagasaan

Ayaw Kong sumuko para sating dalawa

Ngunit Ako ay nahahati narin saking pinapaniwalaan 

Isama na natin Ang landas na maaring kahinatnan ng lahat

Nakita Kong parehas tayong nahihirapan sating sitwasyon

Naramdaman Ko Ang pagkabahala at takot

Takot na ikaw ay mapahamak at malugmok

Naliwanagan ako sa sitwasyon nating napakakumplikado

Ayaw ko talagang bumitaw sating relasyon

Ngunit Dama ko na kailangang magtapos Ang meron Tayo

Ipinaliwanag ko sayo Ang lahat-lahat ng posibleng kahantungan ng ating relasyon

Ngunit sayo ako ay Parang Akong isang baliw

Pero Alam Kong naintindihan mo ang lahat ng sinabi mo sayo

Kaya nga ikaw na Ang siyang nagpasya na iserado ang iyong pinto

At ako na Ang siyang naiwang dehado

Ngunit Alam mo, nagpapasalamat parin ako sayo

Dahil naramdaman ko Ang tinatawag nilang relasyon

Relasyon na di ko naramdaman saking dating kapareho

Siguro nga para sa iba ay katangahan ang bagay na ito

Pero Alam mo Ang dami Kong natutuhan sayo

Hindi natin sinadya Ang magkaroon Tayo ng ganitong relasyon

Ngunit Ang lahat ay darating din  sa Isang pagtatapos

Wala Akong balak sirain Ang mayroon Kayo

Ngunit Alam ko na Hindi narin Tama Ito

Kaya tanggap ko Ang iyong desisyon

At asahan mo na ako ay magpapatuloy

Babaunin Ang ibinigay mong aral at inspirasyon

Ako man ay nakihati sa iyong puso at atensyon

Ngunit Aking pinagsisihan Ang mga bagay na iyon

Siguro nga ay ganito Ang isang komplikadong relasyon

Masaya sa una ngunit sa huli ay mababalot ng lungkot

Hindi ko ipinagmamalaki Ang bagay nato

Pero Sana maintindihan ninyo

Darating at darating ka sa puntong masusubukan Ang iyong puso

At pag dumating Ang oras na ikaw ay may baon sa limot,

Huwag Kang mag atubili na kausapin Ang Panginoon

Dahil siya Lang Ang makakaintindi  at makakatulong sayo

Ang paghilom ay di magiging madali ngunit wag panghinaan ng loob

Isipin mo na Ang lahat lamang ay  pagsubok 

Sa takdang panahon ay mahahanap mo rin ang iyong kapareho

 

 

 

 

Geremi Allauigan
Latest posts by Geremi Allauigan (see all)