fbpx

Sa Aking Pagbangon


Muli akong nagising

Sa pagtulog na mahimbing

Ilang beses nang nagtaka

Kung bakit pagbango’y hindi magawa

Ako nga ba’y nagpahinga?

O sadyang itinulog lang ang pagkahiya?

Sa pagbangon kong ito

Alam kong ako’y gising na ng husto

Hindi na magbubulag-bulagan

Hindi na matatakot

Gising na, bangon na

Ito na ang bukas na kay sigla

Nico Magsusulat
Latest posts by Nico Rellis (see all)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *