fbpx

Pinag-iipunan ko na Mahal


Matagal na ginugusto,

Iniipon ang lakas ng loob, para sabihin sayo,

Sobra mo kasing ganda,

Sobra ka kasing mahalaga,

Sobra na kasing…

Mahal ka.

Mahal,

Sana hindi maunahan,

Hulugan,

Sana mahulog na sa akin ang kalooban,

Tawaran,

Kagandahan mong hindi matatawaran,

Interes,

Patagal ng patagal lalo ka lang minamahal,

Utang,

Utang na talaga! Sana mayakap ka na,

Tubo,

Sana tumubo na ang pagsisikap,

Tapat na po,

Pangako! Tapat po kapag umibig ang puso,

Sulit,

Bawat sigundo’y susulitin, oras na ikaw ang kapiling,

Sukli,

Hinihiling na masuklian, matamis na OO lang naman.

Handang gawin ang lahat makuha ka lang,

Pagkakuha sayo’y pangakong aalagaan,

Hindi ka na mapapalitan,

Noon pa man puso’y ikaw ang laman,

Ang gustong makasama, tumanda man.

Artist of 1995
Latest posts by Artist of 1995 (see all)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *