Siguro napansin mo rin sa Newsfeed mong dumarami na ngayon ang post na may caption na ‘ctto’, in long credits to the owner. Parating may ganito, mapa-stories, video, kanta, picture o memes.
Ang tanong, bakit nga ba?
Isa lang ang alam kong dahilan. Yun e dahil tamad ang mga nagshe-share, pero at the same time takot ding maakusahan ng plagiarism o pagnanakaw. Sinabi kong tamad dahil hindi man lang sila mag-effort hanapin ang tinutukoy nilang “owner”, kahit ang totoo e meron silang unlimited access sa Internet.
Isa pang tanong, nadarama nga ba ng mga totoong owner ang credits sa tuwing nilalagayan ng caption na ‘ctto’?
Ganito, imagine mo, may naisip kang joke. As in nakakatawang joke. Na sa sobrang nakakatawa e nakakapag-iyak, nakakasakit ng tiyan, nakakapagpalabas ng ngalangala at nakakapunit ng bibig. E di syempre ini-share mo sa tropa mo. Natawa siya. Yung tropa mo naman ni-share sa tropa niya. Havey! Tapos yung tropa ng tropa mo ni-share din, pero take note, sa crush mo. Natawa ng sobra yung crush mo matapos marinig ang joke. Halos mapagulong pa. Sobrang saya. Out of the blue, tinanong niya bigla kung sino ang nakaisip nung joke. At dahil napagpasahan lang, sinabi nung tropa ng tropa mo na, “Hindi ko alam e. Credits to the owner na lang. Hihi.”
Hindi ba’t nakakapeste?! Napasaya mo yung crush mo pero wala siyang alam. Kamusta naman yun?! Nasan ang hustisya? Anyari sa sinasabi nilang credits? Di ba’t wala!!!
Ngayon, posible na may magalit sa ‘kin na kesyo wala sa lugar ang ka-wirduhan ko para problemahin pa ito. Pero hindi e. Sa palagay ko, mali ito lalo na’t maraming beses na itong nangyari sa akin. Elementary pa lang, marami na ‘kong jokes na hindi na-credits sa ‘kin. Ang malala pa, inangkin nang kung sinu-sinong kulangot. Pero oks lang, naka-move on na naman ako. At saka yung iba naman dun e waley. Hehe
Mabuti pa tapusin na natin ang usapang ito. At ito na nga…bilang pagtatapos, kailan nga ba acceptable gamitin ang “ctto”? Sa tingin ko, acceptable lang ito para sa mga picture na kinuha noong panahon ng taong unggoy, kwentong tungkol kina Juan o Pedro at mga kanta gaya ng ‘Nanay, Tatay’ o ‘Asawa ni Marie, araw gabi walang…’
Ngunit kung ang ibabahagi mo e mga latest picture o memes na posible namang mahanap ang owner? Dapat hanapin mo, lalo na kung talagang sincere ka sa pagbibigay ng credits.
Pero kung hindi naman e, oks lang. Sige share lang ng share. Panindigan mo lang ang pagiging ignorante. Ganyan ka naman yata talaga. Wala ng pag-asang mabago. Hehe ulit.
___
Please follow me on Facebook page. Search mo lang Kuan Ay. Hehe Thanks!
- GISING NA!!! - May 7, 2020
- PETENG “ctto” YAN! - May 1, 2020
- Tara! Commute tayo…(kahit sa guni-guni lang) - April 15, 2020