Pumikit, dumilat, bumangon.
kumain, dumumi, naligo.
nag bihis, lumakad, humayo.
anong bago?
Alas kwatro hanggang ala una na parang
makinarya, utak mo gumagana may isang oras
na pahinga. Akinse o Atrenta walang
diperensya sa laki ng nais di mo rin makita.
“ito ang buhay anak” sabi ni inay, “ito ang
mundo at medyo magulo” ika ni tatay. Sa
tulang matamlay mayroon salitang nakahimlay,
“IBALIK NYO KO SA PAGKABATA, AYOKO NANG
SUMAKAY”
Sakali lang…
Latest posts by Kenneth Tecson (see all)
- Ang Puta ng Social Media - May 27, 2020
- S-2 p.i.d – Hinaing ng isang Hangal - May 10, 2020
- Ang Liwanag at Ang Hagdan - May 4, 2020