fbpx

Pala-biro


Kalahati raw sa bawat biro ay totoo. Ang hindi mabawi ng walang prenong dila, tatapalan ng sinungaling na ngiti. Kasabwat ang malakas na halakhak, pilit nitong lilinlangin ang ‘yong paningin. Nagbabakasakaling ikaw ay maniwala, nanalangin na hindi ka sana makahalata.

“Uy, parang tumaba ka” Puna ng tiyahin sa isang salo-salo. Kapag nahiya,

BIRO LANG.

“Mahal kita” Sabi ng lalaking nagtapat ng kanyang pag-ibig. Kapag nabigo,

BIRO LANG.

“Sa susunod na padala anak, maliit ang kita” Sabi ng nanay sa Saudi. Kapag nagtampo si bunso,

BIRO LANG.

“Gawing legal ang illegal” Sabi ng nasa kapangyarihan. Kapag botohan na,

BIRO LANG.

Kalahati raw sa bawat biro ay hindi totoo. Biro lang.

Note: Featured Photo by Linya-linya

Teddy Burr
Latest posts by Teddy Burr (see all)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *