fbpx

Pabalat


Nais kong magsimula sa umpisa

Kung paanong ang iyong simpleng salita

“Sa pag-uwi, nagmamadali ka ba?”

Ay nauwi sa “Mahal kita”

Nais kong magsimula sa umpisa

Kung paanong ang pagtayo ng ilang minuto

Para mabili ang iyong pangregalo

Ang naging daan upang buksan ang pagkatao

At malaman kung tayo ay sino

Nais kong magsimula sa umpisa

Kung paanong ang pag-upo

Habang hawak ang inumin ko

Na di na nagawang higupin pagkat walang patid ang mga kwento

Ay hudyat na ako’y kumportable na sa iyo

At handa na akong makita mo

Ang bawat pahina ng buhay ko

Nais kong magsimula sa umpisa

At makita

Kung paanong sa isang iglap nagbago ang lahat

Pagkat nais ko pang magpatuloy

At dagdagan ang mga ala-alang

Magsisilbing tila laging simula

Na di ko malilimut-limutan

Balik-baligtarin man ang mundo

Ikaw pa rin ang nasa una

Aabangan tulad ng umaga

Mahal,

Nais kong magsimula sa umpisa

At nang aking malaman kung paano magsisimulang isulat ang bawat salita

Upang buuin ang libro ng mga tula

Ng mga ala-ala

Mga kwento

Ng aking pagmamahal sa iyo

Julie Anne Lumongsod
Latest posts by Julie Anne Lumongsod (see all)

Julie Anne Lumongsod

I write based on experience. If you have read my poems then you have seen me naked.