fbpx

Paalam


Paalam,
Paalam sa ating nadarama.
Hindi ganoon kadaling pakawalan ang pag-ibig nating dalawa,
Ngunit bakit tayo mananatili,
Kung hindi na pala nagsasaya sa piling ng isa’t isa?
Hindi biro ang sumulat ng isang tula,
Ni ang lumikha ng sandamakmak na piyesa,
May maibigay lang, pagkagising mo, bawat umaga.
Pero naalala ko…
Ang sabi ko,
Iaalay ko ang lahat ng ito sa iyo.
Pero, pwede pala.
Pwede pala talagang magbago ang nadarama.
Hindi galit o inis ang umusbong,
Hindi rin kawalan ng interes ang nagsusumbong.
Akin lang napagtanto na…
Bakit pa?
Bakit pa mananatili kung hindi na nga masaya sa isa’t isa?
Pero naisip ko rin,
Hindi naman kailangan laging masaya.
Pero bakit pa magtatagal kung wala na rin lang patutunguhan?
Hindi ba’t doon naman nagsisimula ang lahat?
Masaya, hindi masaya,
Hanggang sa malugmok sa lungkot.
At ang lungkot na iyon ay hindi lang tayo ang maaaring makaramdam.
Maaari ring maramdaman ng iba.
Kaya’t paalam na sa ating nadarama.
Paalam.

Camille Tamondong
Latest posts by Camille Tamondong (see all)