fbpx

May Ibang Nakalaan


Takot na kong masaktan.

Merong ginawang kasalanan.

Hindi nilalahad ang katotohanan.

 

Mangiiwan…

Uunahan ang kalungkutan.

Sarili lamang ay pinoprotektahan.

 

Sinabi ko rin ang ganyang linyahan.

Sa huli’y panghihinaan.

Magpapasya na lumisan, walang paalam.

 

Nakikita ang dati sa kasalukuyan.

Tatakbo na ko, bago masabugan.

Pasensya na, sana ay maunawaan.

 

Eto ang ugat na dahilan ng paglisan.

Sasaya ka din naman, hindi lang tiyak ang kailan.

Masama lang siguro akong tao, hindi ako para sayo.

 

Hindi kayang mangako para sa kailigayahan mo.

Hindi ako ang tamang tao.

Hindi siguro ako tao, dahil kaya kong gawin ito.

 

Patawad… Paalam… Salamat sa lahat…

Artist of 1995
Latest posts by Artist of 1995 (see all)