fbpx

Maskara


Paulit ulit kong pinipilit,

Paulit ulit din ang iyong pagkapit

Hindi ko na mabilang ang aking pagbitaw,

Kasabay ng mga salitang umaalingawngaw

 

Paulit ulit kong gustong bumigay

Paulit ulit mo kong gustong humimlay

Hindi ko na din alam kung tama pa ito,

O mali na ako’y unti unting sumusuko?

 

Paulit ulit akong sumigaw,

Paulit ulit mo naman akong tinatanaw

Natutuwa sa aking dinaranas

Habang ako’y nagpupumiglas.

 

Paulit ulit

Paulit ulit..

Hindi ko na mabilang kung kailan ako nanalo

O kung kailan siya natalo

Ang alam ko, dalawa kaming nagaagaw

Sa maskara ng aking tunay na pagkatao.

Monica Dabuet
Latest posts by Monica Dabuet (see all)