fbpx

Lock Down Feels


Lock Down na naman,

Kakatapos lang ng taal,

Pero eto at may bagong pandemiko sa lipunan!

Isang kalabang imortal;

Corona ang kan’yang pangalan,

Kaya ikaw ay pinapayuhan,

Sumunod sa pamantayang pangkalinisan,

Manatiling ligtas sa loob ng tahanan.

Marahil ay bored na bored kana?

Sa panonood ng mga koreanong nobela,

O baka naisip mo na din mag tiktok mag-isa?

Nakapagtravel ka na din mula k’warto hanggang sala,

At sa hinaba haba ng panahon, ngayon mo lang naisipang magluto sa kusina.

Maraming putahe na ang pumasok sa’yong isipan,

Tulad ng….

Sinigang na hotdog at binanging itlog sa kalan,

Idamay mo na rin ang mga pinggan na kahit hindi ikaw ang kumain ay obligado mong hugasan.

At huwag mong susubukang magreklamo,

Dahil siguradong babarilin ka, ng 45 na bunganga ng nanay mo,

Siguradong pudpod ‘yang tainga mo!

At kung talagang bored na bored kana,

Bakit hinei mo yakagin ang mga kapatid mong maglaro?

Subukan n’yong kumanta sa tapat ng electricfan,

O kaya ay maghabulan habang naglilinis si inang.

Pero pinapatawa lang kita,

Baka sakaling maibsan ang takot sa’yong mga mata.

Marami ka pang magagawa kasama sila,

Bakit hindi mo sila yakaging magdasal?

O kaya ay pag-usapan ang mga problemang personal?

Idamay mo na din sa panalangin ang ating mga doktor at militar,

Sila kasi yung mas nasa delikadong lagay.

Tulungan natin sila sa simpleng pag stay at home at paghuhugas ng mga kamay.

Siguradong sa hindi mo paglabas,

Napakaraming buhay na ang maliligtas.

Huwag nating sayangin ang mga sakripisyo nila,

Isipin mong inuuna ka nila kaysa sa kanilang mga pamilya.

Buhay ang kanilang itinataya para labanan si CORONA!

Huwag na tayong magmatigas pa,

Pare-parehas lang naman tayong takot na mahawa.

Ilang buwan lang naman tayong makukulong,

Sa maling tao nga ay nanatili ka ng matagal na panahon.

Darating din ang araw na sabay-sabay tayong babangon,

Sa bangungot na dala ng panahon.

Pero sa ngayon ay sa laban muna tayo tumuon,

Silang mga buwis buhay sa kalsada,

Ang kailangan ay panalangin ng bawat isa.

Sila ang mga bago nating bayani,

Ipanalangin natin ang kaligtasan nila.

At ikaw pakiusap lang sumunod ka!

Bryan Edward Ramilo
Latest posts by Bryan Edward Ramilo (see all)

2 thoughts on “Lock Down Feels

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *