Sa paglipas ng panahon
At pagkalagas ng mga pakpak
Na bumabalot sa katauhan
Ay unti-unti nang nasisilayan
Ang tunay na kalooban.
Maaring hindi lahat ay kayang yakapin
Mga sugat ng nakaraan
Na di pa tuluyang naghihilom,
Mga ala-alang minsanang dumadampi sa isipan,
Mga kinalakihang di magkatugma…
Maraming bagay tayong maaaring di pagkasunduan
Ngunit ikaw ay yayakapin
Kasama ng lahat ng ito,
Unti -unting yayapusin hanggang sa di mo na makita
Ang simula’t katapusan
Ng lahat ng pait.
Latest posts by Julie Anne Lumongsod (see all)
- Cliché of Feeling - September 19, 2020
- In the Blink of an Eye - September 19, 2020
- Cautious - May 10, 2020