fbpx

Ka-ibigan


Ano ba ang naging basihan

Sa ating munting pagkakaibigan?

Ang haba ba ng ating pagsasama

O ang mga munti nating ala-ala?

 

Bawat araw nasisilayan

Bawat araw nadadamayan

Ngunit hindi mo parin nakikita

Ang tunay nitong halaga

 

Natabunan ng katahimikan

Ang ating pinagsamahan

Nabalutan na ng lamig

Ang ating pag-ibig

 

Teka, kaibigan

Huwag mong labanan

Alam kong nararamdaman mo

Kung ano ang nararamdaman ko

 

Huwag mo sanang tanggihan

Puso sana ay pagbigyan

Huwag mo sanang sabihing

Kaibigan lang iyong pagtingin

 

Pinangarap ko ang tulad mo

Bawat tala inaabot ko

Na sana’y magkatotoo

Ang munting hiling ko

katherine maurice
Latest posts by katherine maurice (see all)

katherine maurice

All of these thoughts but no one to share with Take time to read and have fun

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *