fbpx

Jowa


Bawat Tao ay nais ng may magmamahal sakanila,

Yung kasama bang makakaintindi sakanila,

Yung laging nandyan para magpakita ng buong sumuporta ,

At higit sa lahat ay yung hinding hindi ka pababayaan at iiwan,

Minsan sinubukan mo na Ang lahat-lahat,

Pag-aayos ng itsura, pagkakaroon ng bagong kagamitan at ang magpasikat,

Para Naman mapansin ka ng iyong minamahal,

At baka sakali Naman ay makamit Ang pangarap na magkatuluyan,

Halos walang araw na di mo siya tinatantanan,

Ultimo Numero, address at Facebook account ay hiningi muna sakanya,

Umaga at Gabi nga ay palagihan Ang  pag pm at syempre pati pag stalk,

Hanggang Gabi ay nag aabang ka lagi ng kanyang status at My day,

Minsan nga ay nagkunwari Kang may tinatanong sakanya,

Pati lahat ng pictures nya sa account nya at walang kwenta nyang status ay pinusuan mo pa,

Para Lang makausap mo siya kahit sa chat Lang at maiparamdam na Mahal mo siya,

Well Sumagot nga Naman siya at  emoji napagbukas mo ng messenger ay thumbs up Lang,

Natuwa ka Naman at kinikilig pa dyan,

Humahalakhak, sinisipa Ang pinto, ng para bang sasabog na,

Kaso isang araw nakita mo siya,

Mayroong siyang  kasamang iba,

Kayat anung sakit Ang iyong nadarama,

Ang Mundo mo ay tuluyan ng bumagsak,

Pinilit mong ngumiti sakanyang harapan,

Ngunit loob-looban ay Kay saklap,

Nais Mong ipagtapat ngunit huli na,

Ikaw ay sadya ngang pinagtakluban na,

Sa pagkakataong Ito ay napaisip ka,

Napagtanto na ikaw Lang Ang may nararamdaman sakanya,

Oo nga Naman Hindi nga Naman kayong dalawa,

Pero umasa na maka moment manlang sakanya,

Ika nila ay ganyan lang talaga Ang ating buhay ,

Hindi porket Mahal ay magiging jowa,

At Hindi lahat ng may jowa ay masaya,

Kaya matutong maghintay at pahalagahan Ang lahat,

Balang araw magkakaroon karin ng matatawag mong jowa

Geremi Allauigan
Latest posts by Geremi Allauigan (see all)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *