fbpx

Ikaw at mga Takot Mo


Nakakatakot… 

Nakakatakot kung paanong ganun kabilis ka kayang husgahan ng mundo. 

Nakakatakot na sa minsang magkamali ka sa buhay mo ay parang wala ka ng kakayahang magbago. 

Nakakatakot ng makita ang kahalagahan mo sa madilim na mundo. 

Nakakatakot na sarado na ang tainga ng lahat pabuka pa lamang ang mga bibig mo. 

Nakakatakot na minsan nga wala ka pang nagagawa o nasasabi ay masama na ang iniisip tungkol sa’yo.  Minsan pa, ng mga tinuturing mong kaibigan, kasangga, kapamilya at mga taong akala mo’y maaasahan mo. 

Nakakatakot magtiwala, magkamali, o maging isang ordinaryong tao. Sa bawat araw na lumilipas ramdam na ramdam mong hiram lang ang buhay mo at wala kang kontrolado dito. 

Kung meron man, 

……..

Yun siguro ay ang maniwala sa sarili mong kakayahan. Ang patuloy na tignan ang kabutihan kaysa sa kasamaan. Ang patuloy na makinig kahit ayaw kang pakinggan. Ang gawin kung anong alam mong makakabuti para sa iyo at sa kapwa mo kahit walang nakakakita nito. Bonus nalang yung mga totoong nagmamahal sa’yo kahit isa, kahit dalawa, kahit malayo, kahit hindi mo laging kasundo pero alam mong totoo ang pinapakita sa’yo. 

Sa panahon ngayon, palakasan talaga ng loob para matalo mo ang lahat ng takot na pumipigil sa’yo. At hindi ka dehado basta’t alam mong totoo ka sa sarili mo. Angkinin mo lahat ng panget, maganda, kahanga-hanga o kahiya-hiya tungkol sa’yo dahil sa bawat araw na natatapos… 

Ikaw ang unang dapat na magmahal sa sarili mo. 

WEIRDO ADMIN
Latest posts by WEIRDO ADMIN (see all)

WEIRDO ADMIN

Hi, we are really honored to be a part of your journey in writing and in life!