Ipilit. Minsan may mga pagkakataon na hindi mo dapat baguhin ang sarili mo para sa iba, mas mabuting mahalin ka ng tao kung sino ka kesa ipilit mo yung bagay na di mo gusto at di ka malaya.
Malaya. Mas masarap mabuhay kung totoo ka sa sarili mo at mas masaya kapag nakatagpo ka ng taong tanggap ka dahil hindi mo na kailangang magpanggap, hindi mo na kailangang magtago, hindi mo na kailangang magbago. Malaya sa mga gusto mo.
Gusto. Hindi masamang maging iba, wag mo ikulong ang sarili mo sa gusto ng iba, maging masaya ka sa sarili mong paraan at diyan makikita at makilala mo ang mga tao na handa kang samahan para dagdagan ang kwento na iyong sinimulan.
Halaga. Pag dumating na sila, ang mga tao na tanggap ka, pahalagahan mo na dahil minsan lang sila dadating sa buhay mo baka pag binitawan mo pa di mahirapan ka ulit makakita ng tulad nila.
Ikaw. Ikaw mismo sa sarili mo ang nakakaalam kung sino ka talaga. Hindi sila, kundi ikaw. May sarili kang kakayahan, pahalagahan mo naman. Wag kang maging peke, maging totoo ka lang. At makikita mo dapat na para sayo.
Sana tandaan mo yan. Kaibigan.