Aso ng sigarilyo,
sa alak ay langong-lango.
pinilit na makasiksik,
sa lugar na napakisip.
Mga asong nauulol,
naririnig ang bawat ungol.
Mga matang nanlilisik,
nagliliyab sa galit.
Sa gabing di kanais-nais,
di mo magugustuhan ang kanilang sinapit.
Makikilala mo pa kaya sila?
Pagkatapos nilang mawalan ng hininga?
Nananabik sa bawat pag-indak,
habang hawak ang iyong mga palad.
Sumasayaw sa gitna ng patay sinding ilaw,
dahil sa init, katawan mo’y malulusaw.
Malalapnos ang mga balat,
apoy, sa katawan mo’y kakalat.
Mababalot ng takot,
di mo alam kung sa labas ika’y aabot.
Oras na para kabigin ang pinto,
papalabas sa impyerno.
Kailangan mo nang makalayo,
dahil gagapangin ka na nito.
Dagitab na kikital sayo,
dahan-dahan hanggang sa maabo.
Sinong mag-aakala na ito na ang wakas mo,
mapapaso sa lugar na walang espasyo.
Sa huling sanadali,
ay matitikaman ang iyong matatamis na labi.
Paalam na sa mga alaala na ating binuo,
dahil ito na ang huli nating disco.
- KALIWA’T KANAN - April 17, 2020
- Huling Indak - April 17, 2020
- Love, Shelly - April 17, 2020