fbpx

Hinga : Huminga : Pahinga


Ang mithi ko’y maging iyong pahinga,

Isang araw na sinagad ang hindi malimita,

Yumakap ka, sa aking bisig ay huminga,

Aamuhin ang pagkairita.

 

Sige at mag kwento ka, lahat ng sa isang araw na kinaya,

Pakikinggan kahit na nagmumura,

Sasabihin ang mga salitang “Sige na tama na, ang importante tapos na”

Ika’y nakauwi na, pagsaluhan natin ang nalalabing oras bago magsimula ang bagong umaga.

 

Hahayaan ka kung gusto munang mapag-isa,

Ikaw ay malaya upang gawin ang ikakasaya,

Hindi kita iuubliga, parehas tayo ng gusto, kaya maiintindihan ka,

Lumapit kung handa na, at muli yayakapin ka, ngumiti habang nakatingin saking mga mata.

 

Artist of 1995
Latest posts by Artist of 1995 (see all)