“Iba’t ibang mukha ng Pakikipagkaibigan”
1. Met Once, Lasts for a Lifetime Friendship
⏩ Mga taong minsan mo lang nakita at nakasama dahil sa isang pambihirang pagkakataon. Usually, yung mga taong nakasama mo sa isang event na may sense para sayo at malamang may sense din para sakanila kaya may common denominator na agad kayo 🙂
Within that day, natuwa kayo sa isa’t isa, nagkapalagayang loob, add sa facebook, gawa group chat, nag a-update sa mga possible instances na magkita kayo ulit, di nagkikita pero magaan pa din ang loob sa isa’t isa.
Sarap noh? di man ganun kalalim samahan nyo, pero may ibang anggulo ng pakikipagkaibigan kang makikita. Yung chill lang, more of good vibes and motivating friendship.
2. Short Acquaintances, Long Term Friendship
⏩Eto naman yung nakasama mo ng mga ilang linggo, or ilang buwan 🙂 May mga similarities kayo or masarap kasama kaya sila na lagi mong kasabay, katambay at kaagapay. May mga kaunting na-open tungkol sa buhay pero syempre di nila ganun ka-feel kasi tapos na yun at di mo pa sila kasama noong mga panahon na yun pero hahanga kayo sa isa’t-isa kasi nalagpasan nyo yun at magiging inspirasyon nyo experiences ng bawat isa.
Eto yung mga tipong pag nagkahiwalay kayo ang iti-treasure nyo ay yung masasayang moments na magkasama pa kayo. Magkita man kayo ulit o hindi na, lagi nyong mararamdaman yung magandang samahan na inyong nasimulan.
3. I Thought We Were but We Were Not- Friendship
⏩Ay madami ako nito 🙂 For sure ikaw din!
Sa katulad nating pala-kaibigan, madali tayong mabiktima neto. Ang sarap lang kasi nung feeling na katulad nung bata ka pakiramdam mo lahat mabait, lahat harmless, may makaaway ka man maya-maya okay na, parang walang nangyari.
Mas marami kang kaibigan, mas marami kang kasama, MAS MASAYA. Dun tayo nagkamali at patuloy na nagkakamali hanggang ma-realize natin na hindi pala natin kailangan ng madaming kaibigan, sa halip ay TOTOONG KAIBIGAN.
Yung hindi ka ipagkakalulo kapag gipitan na. Yung hindi ka lang gusto kapag may kailangan sya. Yung hindi ka lang trip kasama kapag sikat o mapera ka. Yung hindi ka iiwan kung kailan mas kailangan mo sya.
Sa panahon ngayon, sobrang hirap na malaman kung friends ba talaga kayo o hindi. Madalas kayo magkausap o magkasama? hindi mo masasabi! Palagi mong katawanan? hindi pa din! Pareho kayo ng trip? di ka sure baka ito’y sasaglit. Nahihingahan mo ng problema? Mag-ingat baka isa syang huwad!
Kaya mahalin at ingatan ang sarili 🙂
Kung talagang kaibigan mo sila, mapapabuti ka kasi mahal ka nila. Itatama ka pag mali kana, Iingatan ka dahil MAY HALAGA KA!
4. FRIENDS=FAMILY
⏩Malayo ka sa pamilya mo? di mo yan masyadong mararamdaman pag sila ang kasama mo. May mga kashungaan ka sa buhay mo? dadamayan ka nila hanggang sa pagbangon mo.
Ito yung isa sa pinakamasarap na ideya ng pagkakaibigan 🙂 Yung nabuo ng hindi sapilitan. Yung mas matibay kaysa kahit anupaman. At yung hindi basta-basta matitibag kahit anong unos pa ang dumaan.
Ito yung magpaparamdam sa’yo na may pangalawang pamilya kang matatakbuhan at hindi ka huhusgahan. Kakampi mo sa anumang laban at handa kang itama sa’yong mga kamalian.
Pwede mong matagpuan sa eskwelahan, opisina, organisasyon na iyong kinabibilangan, o maging sa simpleng nabuong samahan.
Anumang mang mukha ang ipakita sa’yo ng tinuturing mong kaibigan, ang tanging mahalaga ay naging totoo ka at bawat segundong kasama mo sila ay natuto ka.