Ayoko ng mahalin,
Mabigat… Parang laging alanganin,
Kung alam ko ba’y, hindi pa rin,
Ang alam ko lang, gusto ko ng konting lambing,
Hinihintay na lang na palarin,
Mahanap ka sa nagkalat na bituin,
Isang kapantay na damdamin,
Ang isang sapat na dalangin.
Kanina… pahapyaw sa aking paningin,
Isang ngiting nagniningning,
Liwanag sa madilim na pasanin,
Isang masayahing binibining,
Gusto kong tanungin…
Ikaw na ba ang hiling?
Ikaw na ba ang para sa akin?
Takot ako, ngunit may tuksong harapin,
Kutob na gustong subukin,
Halika dito’t sumiping,
Gagawa tayo ng awitin,
Ang blangko ay tutuklasin,
Ayoko ng mahalin,
Mahalin ng sobra, iyan ang una kong habilin.
Latest posts by Artist of 1995 (see all)
- Kape ulit? - February 15, 2022
- Hinga : Huminga : Pahinga - February 11, 2022
- Tanong at Sagot - August 21, 2021