Ano ang iyong masasabi hinggil sa isyu sa pagitan ng mga nasa "middle class" nating kababayan at sa mga mahihirap hinggil sa pamimigay ng ayuda ng pamahalaan sa harap ng banta ng sakit na Covid-19?
Mas mainam na gamitin nalang sa mas makabagong programa o alternatibo ang budget sa amelioration dahil mabilis lamang yun maubos sa isang iglap. Wala tayong kasiguraduhan kung magtatagal pa itong krisis kaya hindi natin dapat ilabas lahat ng alas sa isang bagsakan.
Kung iisipin hindi pa rin patas na mahirap lang lang ang makatatanggap ng ayuda dahil sa realidad, hindi naman lahat ng nasa middle class ay may sapat talagang naitatabi lalo na sa ganitong panahon ngunit sa isang banda, mas may kakayanan pa din talaga sila kumpara sa mahihirap. Para sa akin, nararapat pa din naman na may matanggap ang mga nasa middle class dahil wala din namang kasiguraduhan kung sapat nga ba ang mayroon sila ngunit maaari itong bawasan kumpara sa natatanggap ng mahihirap na talagang walang-wala.
Kailangan pa din paghandaan ang bukas sa ganitong panahon kaya mas maganda kung budgeted pa din nag nailalabas ng gobyerno para lahat tayo sabay-sabay na makalaban sa ganitong krisis.