fbpx

Cautious


Maingat akong tao

Takot mapuna

O magkamali man lang

Bawat aking kilos

Ibinabase sa nais ng iba

Ng sa gayon,

Di ako masisisi

Ngunit

Kung mahalin ka ay labag sa kanila

Mahal, 

Handa na akong magkamali

Para sa iyong pananatili

Handa na akong saluhin

Ang ulan ng mapanghusgang mga salita

Handa na akong maglakabay

Sa daang puno ng tinik

Ng kanilang huwag at pagkat

Handa na akong lumangoy

Sa dagat ng kanilang bakit at paano

Paano

Paano nga ba tayo tumagal ng ganito

Sinong mag-aakala

Na ang pusong mahina

May lakas din palang ikinukubli

Palagi mang may takot na makagawa ng mali

Ako’y susubok pa rin

Baka di lamang batid

Na ang tama’y nababalutan lamang

Ng mapanlinlang at makamundong kamalian

Kailan naging mali ang mahalin ka

Mahal,

Pikit na ba ang aking mga mata

At nabulag sa iyong mga salita

Mata

Padama

Padama mo sa akin

Na ang piliing magpatuloy

Kailanma’y di dapat pagsisihan

Pagkat

Kung ang mahalin ka ay isang kamalian

Mahal,

Mula sa isang taong takot sa bayolenteng komento,

Handa na akong magkamali

Julie Anne Lumongsod
Latest posts by Julie Anne Lumongsod (see all)

Julie Anne Lumongsod

I write based on experience. If you have read my poems then you have seen me naked.