Totoo na may buhay sa kamatayan,
Isang dapit hapon na di malilimutan,
Isang pangyayari na bumago sa buhay,
Tulad ng mabilis na hangin na humuhuni sa mga bagay.
Matapos ang kamatayan sa pagkabigo,
Sa isang pag-ibig na hangad ay hanggang dulo,
Isang nilalang ang lumapit sa siklo
ng matagal ng pag-aantay ng tao.
Ang pagkakakilala ay sa anyo ng media,
Hindi man inasahan, dumating ng kusa,
Ang isang nilalang na naglaan ng pag-ibig,
Pag-unawa, pagkalinga at pakikinig.
Matapos ang ilang araw ng paguulayaw,
sa anyo ng mensaheng teknolohikal,
Nakilala ang pagkatao at mga kaugalian,
Kasama ang mga nakalipas na humubog sa kasalukuyan.
Ang nilalang ay patuloy ang pagpapakita,
ng isang di perpekto ngunit totoong pagkakakilanlan,
ng kanyang damdaming umaamin,
ng kanyang mga pangarap at mithiin.
Nangakong magkikita ang bawat isa,
At bawat nilalang ay patuloy na umaasa,
na ang matagal na mithi ay makukuha,
kasama ang bulong ng pag-asa.
- Poetry and Dance: How it helps my Sanity - May 20, 2020
- Fortress of my Soul - April 16, 2020
- To My Long Lost Love - April 15, 2020