fbpx

Balintatawa sa ulan


Madilim na naman ang kalangitan

Senyales na may nagbabadyang ulan

Halos lahat ay nagmamadali

Naghahanap kung saan kukubli

Ngunit heto ako,hindi natinag

Patuloy na nakatingala

At matamang nakatunganga,

Kasabay nang pagbuhos ng ulan,

Ay pagbuhos ng ala alang patuloy na namumutawi..

Unti unti na namang bumabalik

Ang nakalipas sa ating dalawa

Mga yakap at halik

Mga pinagsaluhang nakakatuwa

At muli naramdaman kong dumadaloy-

Ulan? Ulan ba ang patuloy na umaagos sa pagitan ng aking mata?

O luha ng kahapong aking itinatatwa?

Bigla, naramdaman kong bimigat ang aking pakiramdam,

Puso kong puno ng masayang alaala

Ay napunan ng galit at poot

Kasabay nang alaala kong nililimot

Naalala ko na naman,

Noong iniwan mo ako,

Noong pagmamahal mo ay ipinagdamot

Sa aking pusong patuloy na umaasa.

Muli, napansin kong tumila na ang ulan,

Naramdaman kong basa na pala ako

At naisip ko, katulad ng ulan

  1. Titila din itong aking pagdurusa.

 

Monica Dabuet
Latest posts by Monica Dabuet (see all)