fbpx

Ang Puta ng Social Media


Di ka ba nagtataka o nagugulat sa mga nagaganap?
sa maliit na bintana makakakita ka ng nakahubad,
sa edad na dapat laruan ang kanilang hawak,

may higanteng mata sa kanya ay tatatak.

Di ka ba nagagalit o naasar
sa mga kamay na taimtim na nag darasal
na sana’y maibsan ang init sa katawan
at uhaw sa lalamunan na kahit lunurin mo sa tubig ay walang kamatayan.

Di ka ba napapaisip kung bakit
ang apoy na umiihip sa utak mo’y pumipihit
para mag tanghal ng pilit na sa mata’y gumuguhit.

Sino ba talaga ang puta tayo o sila?
Sila na sumusuka para sa pangalan at barya
o tayo na pikit matang nilulunok ang sistema ng iba
at pinalilipas ang araw na wala kang naisalba.

 

 

Kenneth Tecson
Latest posts by Kenneth Tecson (see all)

Kenneth Tecson

Content creator, Youtuber, artist wannabe just kidding I prefer aspiring.