fbpx

Ang Pagtabang Ng Salitang Mahal Kita


Hahayaan na lang ang damdaming hindi maamin,

Sa dahilang ito ang dapat gawin,

Aasa na lamang na may tamang oras para ito’y sambitin,

Ito ang tama, sa paningin ng madla.

Ngunit ito nga ba ang tama?

Na patuloy na ituloy,

Patuloy na sabihin ang salitang mahal kita,

Patuloy na tanungin kung kumain ka na ba?,

Patuloy na bumati ng magandang umaga, magingat ka,

Matulog na tayo, wag ka ng magpuyat, aalagaan kita,

Patuloy na ipangakong tayo lang dalawa, at

Patuloy na magsama kahit nagmamahal ng iba.

Bakit nga ba dito tayo napunta?

Mga problema kasi natin, dinaan na lang natin sa tawa,

Takot akong mawala ka, ayokong magalit ka,

Mga reklamo sa isa’t isa, hindi natin kinumpronta,

Perpekto ang tingin nila sa relasyon nating dalawa.

Pero alam ko at alam kong alam mo din,

Na sa bandang huli, kailangan harapin

Hindi tayo totoong sasaya sa piling ng isa’t – isa.

Ngunit eto tayo, binabanggit ang matatamis na salita,

Mga salitang matabang na sa panlasa.

Hahayaan na lang ang mundo ang mag disisyon,

Baka naman kasi meron pang solusyon.

Paalam na muna, babalitaan na lang kita.

Hanggang sa muli, Mahal kita.

Artist of 1995
Latest posts by Artist of 1995 (see all)