fbpx

Ang Liwanag at Ang Hagdan


Ilan nga bang hakbang ang kailangan
Para iyong marating ang tuktok nitong hagdan?
Upang makuha ang binilog na papel
Na sa apat o mahigit pang taong pag gugol sa loob ng silid aralan.
Minimithing diploma na sa bawat hakbang
Ika’y maaring masugatan o masaktan.

Kapag dumating ang panahon
na isang hakbang nalang ang kinakailangan,
Upang makamit ang rurok nitong hagdan,
Gagawin mo ang lahat kahit mabigat pa ang nakapasan.

Wari ngang ito’y iyong nasungkit
at pangala’y tuluyang binanggit,
Hakbang papalapit ani mo’y walang kapalit.
Ligayang hatid sa magulang ay di mababatid.

Ngunit sa kabila ng ibang tagumpay,
nagiging daan itong hagdan upang wakasan ang kanilang buhay.
May naghihintay pala sa likod ng liwanag,
na sa kanila’y araw-araw na papatay.

Kenneth Tecson
Latest posts by Kenneth Tecson (see all)

Kenneth Tecson

Content creator, Youtuber, artist wannabe just kidding I prefer aspiring.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *