fbpx

AN OPEN LETTER


Nung  mga panahon na yun, sanay na akong mag-isa

tanggap ko na hindi ko kayang makipagrelasyon pa.

Bigla-bigla nagkasabay tayo, sabi ko aantayin na kita

wala lang sa akin noon na antayin ka at nung dumating ka, 

doon nga tayo’y nagkayayaan na.

 

Kumain, nagkwentuhan, oras ay di natin namalayan.

Pag-uwi natin pinili mong samahan ako,

lahat ng naramdaman at nangyari nung gabi na ‘yon ay hindi inaasahan.

Minsan naiisip ko, kasalanan ko ba, ako lang ba yung naniwala na may kakaiba sa nararamdaman ko?

 

Lumipas nga ang araw at panahon, sinabi kong Mahal kita.

Masyado na ata akong bulag sa salitang “Mahal kita”.

Pero naniwala ako na mahal mo din ako. 

Napatunayan mo naman ‘yun sa mga nagdaang panahon. 

Di ka umalis sa tabi ko kahit ano pang hamon.

 

Lahat ay nagsimula sa magulong sitwasyon kaya naman pareho tayong naniwala

na wala tayong hindi makakaya. Hanggang sunod-sunod na ang problema, hanggang unti-unti ay naubos na.

 

Pang-unawa, pagtitiwala, pero alam kong sa pagmamahal ay may natitira pa. 

Ang hirap lang lingunin ng lahat kasi maiisip mo na sana ganito, dapat ganito, hanggang hindi mo na alam kung alin ang totoo. 

 

Ngayon ang tanging nasa isip ko, napaniwala lang ba ako ng masarap na kwentuhan, ng matamis na tinginan, ng masayang lambingan? 

Kung totoong pagmamahalan ang meron tayo, bakit tayo nagkaganito?

Bakit wala akong maramdaman, dahil ba SA ATIN ‘to o dahil lang SAKIN?

 

Hindi ko alam kung ako ba ang may maling konsepto ng pagmamahal.

Kung saan ang sobra at kulang. Siguro nga dapat lang, sarili ko muna ang pagtuunan. 

Sakali mang tadhana ay may gawin upang landas natin ay muling pagtagpuin,

at makita sa mga mata nating, pagmamahal ay nandoon pa din, baka nga pwede pa.

 

Pwede pang ituloy ang kwento nating nabitin.

Giddy PRoactor
Latest posts by Giddy PRoactor (see all)