Sa tuwing naaalala ko mga pangako mo nasasaktan ako
Hindi ko alam kung bakit,
Marahil siguro ay labis akong umasa
Umasa sa mga magagandang salitang binitawan mo
Na akala ko lahat ay totoo
Ngunit nagising ako
Nagising ako sa katotohanan na marahil
Sa una mo lang mararamdaman ang kaligayahan
At ang ending puro alaala nalang
Alaala ng kahapong tayo pa ang magkasama
Kaya ngayon alam kuna
Hindi lang sapat na mahal mo sya
Oo mahal mo sya
Pero hindi naman sya masaya
Oo mahal ka rin nya
Kung wala yung mas mahal nya…
Latest posts by Raquel C. Remoblas (see all)
- Alaala Ng Salitang Mahal Kita - April 18, 2020