fbpx

F.R.I.E.N.D.S


Isa lang naman yung hiling ko, 
wag mo na kong guluhin
okay na ko eh, okay na kong mag-isa
nakaya ko na, nagawa ko na
maging masaya kahit ako lang wala ng iba

Akala mo ba madali? 
takot na takot ako 
kasi iba ka, iba tayo 
siguro ikaw kontrolado mo 
pero naisip mo ba kung paano ako?

Ang daya mo 
gustong-gusto ko yang sabihin sa’yo
pero wala eh masaya din naman ako 
ayoko din naman pagsisihan 
na hindi ko sinubukan 

Pasensya na, mahirap pagkatiwalaan
kung panandaliang kaligayahan lang
hanggang sa hirap ba, kaya mong panindigan?
kaya kung anumang nasimulan
kinailangan kong tuldukan

Sabi mo okay lang,
kahit anong gusto ko
dahil din ba sa takot mo,
na ikaw na naman ang talo?
eto na, ako nang susuko para sa’yo

Liban sa nabuong pagsamo
alam kong mas mahalaga
ang pagmamahalan na meron tayo
mahal kita, kaibigan ko

Giddy PRoactor
Latest posts by Giddy PRoactor (see all)