fbpx

Kahit na hindi ka inaasahan


Tahimik na tinatahak ang bagong daan,

Nang masilaw sa iyong kaliwanagan,

Ikaw, na hindi inaasahan.

 

Sumaya ng panandali,

Ngumiti sa gitna ng pighati,

Patawad at puso’y ayaw nang umibig muli.

 

Nagsilbing sandalan,

Inalagaan, kahit na hindi ito kahilingan,

Patawad muli, at mapangiti ka lang ang kaya ng dibdib.

 

Pagkatao’y magkasundong-magkasundo.

Hinahanap araw o gabi, na isip ay malabo.

Malabo? Hindi tayo malabo.

 

Masaya tayo, hindi dahil gasgas na linya na ito.

Ito lang talaga ang totoo.

Masaya tayo, mas masaya sana kaso…

 

Ikaw na hindi inaasahan,

Akin nang inaasahan,

Aalis din kinalaunan.

 

Ikaw na hindi inaasahan,

Hindi ka kayang pahalagahan,

Baka naninibago lang, kaya nabibigatan.

 

Ikaw na hindi inaasahan,

Sana ay pahalagahan,

Nang taong pinili kang suklian.

 

Ikaw na hindi inaasahan,

Hindi na magiging tulad muli ng nakaraan,

Maghihintay, masasanay, hindi na hahayaan.

 

Ikaw na hindi inaasahan,

Ako’y bilib sa iyong mga katangian,

Salamat sa pangangasiwa, matupad sana, mga kahilingan.

Artist of 1995
Latest posts by Artist of 1995 (see all)