fbpx

“WALANG PAMAGAT”


✍️ ni Marcie Moratin

HAPDI

✍️ Marcie Moratin

Bakit ganun? Bakit napakadali kong magalit sayo noon? Tipong kahit yung pagmamahal ko sayo kinalimutan ko. Yung ikaw at ako ay tinalikuran ko.

Hanggang sa tuluyan kong sinira yung kung anong meron tayo. Hinayaan kong mawala yung taong itinuring kong mundo. Nagpakain ako sa galit. Di ko inisip na ako’y makakasakit.

At natapos na nga. Wala ka na sa piling ko at alam kong masaya ka na. Kaya naman ngayon, pinipilit kong magalit sayo. Pinipilit ko ULIT na magalit sayo.

Pero kahit anong isip ko sa mga bagay na ikinagalit ko sayo noon, wala! Wala parin talaga! Kasi sa tuwing iniisip ko yun, bumabalik lahat. Yung mga panahon na ang lahat sa atin ay sapat.

Sa tuwing pinipilit kong magalit sayo, para mawala ka na dito… dito sa puso ko! Mas lalo lang akong nagagalit sa sarili ko! Hindi ko na magawang magalit sayo kasi lalo ka lang nabubuhay… sa puso’t isipan ko.

Na alam nating parehong hindi pwede. HINDI NA PWEDE! Kasi pamilyado ka na, at ako? May nagmamahal na sakin, na minamahal ko dn ngayon. Kasi yun na yung tama ngayon, yun yung dapat. Dahil siya yung ngayon ko.

Yung tayo? Tapos na yun. Wala na yun. Hanggang doon nalang yun. Hindi na madudugtungan pa yun. At kahit pa anong sana ko, mananatiling sana nalang lahat ng yun.

  1. Kailangan ko ng isara ang kabanatang matagal nang  nag-tapos. Pero pangako ko na mananatili kang parte sa aklat ng buhay ko.
Marcie Moratin
Latest posts by Marcie Moratin (see all)