Hindi lahat ng nakalipas na ay lumipas na
Hindi lahat ng tapos na ay ginustong tapusin
Hindi lahat ng nakaraan ay tuluyan ng nakalimutan
Hindi lahat ng ala-ala kusa na lang nabura
Hindi lahat ng relasyon piniling tapusin dahil lang sawa na
Hindi lahat ng relasyon piniling iwanan dahil lang may nagbago
Hindi lahat ng malabo madali lang talikuran
Hindi lahat ng pinagsamahan ganun na lang kadaling bitawan
Hindi lahat ng mayroon sa’yo ay mayroon sa iba
Hindi lahat ng katangian mo mahahanap ko sa kanya
Hindi tayo katulad nila na ginagawa lang biro ang pag-ibig
Hindi tayo katulad nila na hindi seryoso magmahal
Hindi tayo katulad nila na kayang itapon ang binuong ala-ala ng magkasama
At lalong hindi ako katulad mo na kayang lumipat sa susunod na pahina ng mag-isa
Kaya sana lahat ng magandang ala-ala natin hindi mapalitan ng masama
Dahil karamihan sa ala-alang binuo natin ng magkasama ay walang kaparis ang naidulot sa aking saya
Kaya mahal, gusto ko lang iparating sa’yo na hindi ka basta-basta mapapalitan sa puso ko
Hindi man na sumikat ang araw, pumatag man ang karagatan, ikaw ang ala-alang may ngiti kong babalik-balikan
Sapagkat hindi lahat may matatagpuang isang katulad mo
Ako lang to, ang totoong nagmahal sayo ng buong-buo ngunit sinayang mo
- The One That Ghost Away - July 5, 2020
- HINDI LAHAT - June 30, 2020
- ISYU NG LIPUNAN - June 17, 2020