“Babalikan kita, Gabriela!”
Iyan ang mga huling salitang binanggit ni Primo kay Gabriela sa kanyang huling liham na ipinadala sa dalaga. Sila’y matalik na magkaibigan at magkababata. Nang si Primo ay nakatapos ng kolehiyo dito sa Pilipinas, agad siyang pumunta ng Amerika sapagkat mas maganda ang oportunidad na naghihintay sa kanya roon. Magaling siyang pintor, halos lahat ng babae ay hindi makurap tuwing siya’y tinititigan sapagkat bukod sa siya ay matalino at talentado, di mapagkakaila na may nakakaakit siyang mukha. Si Gabriela ay kasalukuyang nagtuturo sa isang pampublikong paaralan sa Bulacan, doon na rin siya nanirahan sapagkat mag-isa na lamang siya sa buhay. Pumanaw ang kanyang mga magulang noong nakaraang taon dahil sa isang aksidente at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakatawid sa pangyayaring iyon.
“Titser, may tanong po ako.” wika ng isa niyang estudyante.
“Ano iyon, Allan?” tugon ni Gabriela.
“Ano po sa tingin ninyo ang nabubuhay pagkamatay at namamatay pagkabuhay?” tanong niya.
“Hmmmm…. may sagot ba sa iyong tanong? Mahirap ang katanungang iyan ah.”
“Meron, titser. Bulaklak po.”
“Paano mo naman nasabi?”
“Kapag ang bulaklak ay namatay, sisibol ulit ito at pag hindi ito naaalagaan ng husto, nalalanta ito. Ngunit nabubuhay pa din kapag kapanahunan niya.” sagot ng bata.
“Aba! Tama ka nga ha!” tugon ni Gabriela.
“Bigla kong naalala si Primo sa sinabi ni Allan, siya ang kauna-unahang lalaking nagbigay sa akin ng puting rosas. Kailan ko kaya ulit masisilayan ang kanyang mukha?”
Binuksan agad ni Gabriela ang telebisyon ng makauwi ng bahay. Siya’y nagulat sa kanyang narinig.
(Tagapagsalita: “Kilala niyo ba kung sino ang ating bisita ngayon sa ating programa? Walang iba kundi ang pinaka tanyag na pintor sa ating bansa na nagmula pa sa Amerika. Si Mister Primo Lopez.”)
“Bakit ganito ang aking nararamdaman? Tila ba parang ang puso ko’y binunutan ng tinik.”
Kinabukasan, nagising si Gabriela sa katok sa kanyang pinto. Pagkabukas niya nito ay natulala lamang siya.
“Pi.. pi… Primo?” utal-utal niyang winika.
“Gabriela! Kamusta ka na?” magalak na sabi ni Primo sabay na niyakap si Gabriela.
“ Hindi ko man lamang napaghandaan ang pagdating mo Primo, bakit ka naparito?”
“Dito na ko maninirahan Gabriela, magkakasama na ulit tayo.”
“Ha… Bakit? Paano?”
“Nagpasya na akong manirahan kasama mo, hindi ba’t sinabi kong babalik ako.”
“Pero Primo, labing limang taon na ang nakalipas simula nung huli akong nakatanggap ng liham sa iyo.”
Napahaba ang kwentuhan ng dalawa. Marami silang napag-usapan. Kinagabihan ay umuwi na rin si Primo.
“Mag-iingat ka sa pagmamaneho Primo.”
“Dadalawin kita araw-araw Gabriela, aasikasuhin ko lamang ang mga mahahalagang bagay na naiwan ko.”
Isang linggong pabalik-balik si Primo sa bahay ni Gabriela. Nagkakamabutihang-loob na ulit ang dalawa matapos ang maraming taong sila’y magkahiwalay.
“Gabriela, gusto ko lamang malaman mo na kapag tayo’y handa na, ikaw ang pakakasalan ko. Ikaw lamang ang babaeng pinakamamahal ko.”
“Ikaw lamang din ang lalaking pinakamamahal ko Primo.”
Nang papasakay na si Primo sa kanyang sasakyan…. “Boom” may tumama sa kanyang baril galing sa malayo.
Makalipas ang limampung taon.
“Nay Gabriela, bakit ba kasi hindi ka nag-asawa. Wala ka tuloy kasama sa pagtanda.
Hindi ka ba nalulungkot?” wika ni Allan.
“Anak, hindi ako nag-asawa sapagkat isang lalaki lamang ang minahal ko ng lubos sa buong buhay ko.” tugon ni Gabriela.
Tila bangungot pa rin kay Gabriela ang pagkamatay ni Primo sa kanyang harapan mismo. Noong panahong iyon ay tumatakbo bilang gobernador at kalaban niya ang nag-utos na siya’y patayin. Si Allan na lamang ang nag-alaga kay Gabriela sapagkat alam nito na wala siyang kasama sa buhay.
“Napanaginipan na naman kita, mahal ko. Simula sa kung paano ako naghihintay sa pagbabalik mo hanggang sa namatay ka sa harapan ko. Ngayo’y aking napagtanto ang sinisimbolo ng puting rosas na binigay mo sa akin noon. Walang hanggang pag-ibig.”
“Ano po bang huling sinabi sayo ni Mang Primo, Nay Gabriela?”
“Ang huling winika niya sa akin habang may dugong lumalabas sa kanyang bibig ay,”
“Mahal ko, salamat sa paghihintay mo sa akin, ako naman ang maghihintay sa iyo, sa langit. Doon natin ituloy ang sasandaling ipinagkaloob sa’ting panahon. Hanggang sa muli nating pagkikita.”
“Oh Panginoon ko, kunin nyo na po ako. Sabik na kong makita ang minamahal ko.”
- The One That Ghost Away - July 5, 2020
- HINDI LAHAT - June 30, 2020
- ISYU NG LIPUNAN - June 17, 2020