Habang tumatagal walang naglilinaw
sino ba sa atin ang mali ako o ikaw?
ako ba na nakipaglaro o ikaw na sineryoso ang laro?
patawad kung hindi ko sineryoso ang mga sinabi mo
ang akala ko kasi laro laro lang lahat
at kung ang mga sinasabi ko ay hindi sapat
‘wag ka nang magalit sasarili mo
hindi totoong hindi ka sapat para sa akin
pero sana, sana maintindihan mo din
na masyado pa tayong bata para dito
para sa Seryosong laro ng pag-ibig na ito
Latest posts by Angelica Daño (see all)
- Seryosong Laro - May 31, 2020