Hindi man ibigay
ang ninanais mong bagay
mayroong nakalaan
na sa iyong tunay
Lulubog, lilitaw
iyo pa ding matatanaw
pag-asang bigay ay tanglaw
dulot ni haring araw
Tayo ma’y nababalot
ng lungkot at takot
tiyak na may sagot
ating mga dulog
Kaya Ama, salamat
pag-asa ang iyong dala
malalagpasan itong hamon
nang may tapang at sigla
Latest posts by Giddy PRoactor (see all)
- B*LLSHIT - August 21, 2024
- 2:14 - May 23, 2024
- Share Your Pain - February 14, 2024