fbpx

Bitaw


Isa sa pinakamahirap na desisyon

ay yung mamili ka sa pagitan 

ng kung ano ang tama

at kung anong nagbibigay sa’yo ng saya.

Marami sa atin na pinipili ang tama

dahil alam nating sa huli,

ito pa din ang makapagbibigay 

ng katahimikan at kapayapaan sa atin. 

Tanging maiiwan ang masakit na katotohanan

na kung ano o sino man 

ang nakakapagpasaya sa’yo 

ay kailangan mong bitawan. 

Kailangan mong pakawalan

para ikaw nalang ang mahirapan

kailangan mong tiisin 

para wala na silang ibang isipin. 

Sadyang malawak 

ang pagmamahal

at kung ito ay totoo,

handa kang magsakripisyo. 

Glorianne Reyes
Latest posts by Glorianne Reyes (see all)