fbpx

S-2 p.i.d – Hinaing ng isang Hangal


Tama ganyan nga, yan ang tawag ko sa sarili ko. Estupido, at yan din ang tingin ko sa sarili ko bakit? Kasi marami akong kayang gawin sa palagay ko. Aesthetically? di ako sure, kasi mahilig ako kumanta at dahil doon natuto akong kumanta ng maganda, marunong ako mag sulat pero hindi kalaliman ang aking bokabularyo baka nga wala pa to sa kalingkingan ng iba pang sumusulat ng kwento, kanta o script, marunong nga rin pala ko humawak ng camera at kahit paano marunong din naman ako mag timpla ng kulay at umangulo kung baga. Kaso kulang parin sa asinta aba punyeta napag iwanan na ata ako nang madla kasi lahat sila kaya nang gumawa ng gimik nila tiktok ata? Pero balik tayo sa eksena kung saan ako ang bidang tanga at marahil ay hangal dahil di kayang sumugal takot mamatay pero hinahayaang humimlay ang mga talento na aking taglay.

Hindi nga pala ito isang tula, hindi rin pala ito isang awit na kaya kong lagyan ng himig, Isa lamang pala itong hinala na pilit binibigyan ng kulay at hinihingahan ng buhay. Umaasa na sana makuha ko na yung tamang sandata para kalabanin ang sarili kong punong puno na ng drama.
Minsan na isip ko kung ako lang ba yung ganito, ako lang ba yung bigo, ako lang ba yung siraulong di mapakali na hindi makagawa ng matino. Ang ibig sabihin ko sa matino ay yung quality content sa pag sulat, sa pag kanta, sa pag gawa ng mga videos, hindi yung makiki uso sa mga sumisikat na walang sustansya ang mga palabas at sana hanggang sa huli hindi ako maging katulad nila. Sana kayo rin.

 

 

Kenneth Tecson
Latest posts by Kenneth Tecson (see all)

Kenneth Tecson

Content creator, Youtuber, artist wannabe just kidding I prefer aspiring.