fbpx

GISING NA!!!


“Bakit ko kailangan magkaroon ng paki sa gobyerno? Hindi pa naman ako botante.”

“Bakit pa ako makikisali sa mga taong may pakialam sa usaping lipunan? E hindi naman ako nito mapapakain?”

“Bakit pati ako makikialam e hindi naman ako apektado?”

“Bata pa pati ako kaya okay lang kung hindi ako makialam. At saka wala naman akong mapapala kung poproblemahin ko ang nangyayari sa bayan. Mai-stress lang ako.”

Yung totoo, nakalulungkot ang ganitong klase ng pag-iisip. Palibhasa hindi apektado, wala ng pakialam? Ganun ba yun?

 

Peroa bakit nga ba required makialam?

Simple lang, para hindi mawala ang karapatan mong hindi makialam. In other words, kailangan mong magsalita bago ka pa maapektuhan. Bumoses habang maagap pa. Halimbawa, isigaw mo na agad na “AKIN YUNG CHOCOLATE SA REF!” bago pa lantakan ng mga patay-gutom mong kapatid. 

 

Oo, totoo naman, masarap sa feeling mawalan ng pakialam. Tipong tamang ML, Memes o K-drama lang maghapon. Wala kang alam sa mga balita. Ngunit, pinaaalalahanan kita, huwag mo nang hintayin pang maapektuhan ang mga bagay na kumokompleto sa buhay mo bago ka pa magkaroon ng pakialam. 

Hindi ko sinasabing mag-rally, magprotesta o mag-rant ka sa Facebook na parang aktibista. Ang punto ko lang, sana magkaroon ka lang kahit ga-hiblang concern sa mga nangyayari sa paligid. Oks na yun!

Wala namang masama kung trip mo na hindi makisawasaw, makigulo o magbigay ng opinyon. Pero yung hindi ka man lang napailing, kilabutan o napataltak sa mga masasamang nangyayari, parang may mali na yata. May tawag sa ganyang sakit e…ano nga ba yun. Hmm…ayun! “Sariling isda,” in English?

 

Uulitin ko lang ha? Huwag mo nang hintayin pang maapektuhan ka sa mga di magandang nangyayari. Habang maagap pa, makiisa para lunasan ang mga ito. Makiisa para itama ang mali. 

 

Tulad ng paboritong linya ng mga nanay tuwing umaga. “GISING NA!!!”

Kuan Ay
Latest posts by Kuan Ay (see all)

Kuan Ay

Kwentista't manunulat na mula sa kalahating bahagi ng utak ng isang average person na kasalukuyang namumuhay ng tahimik dito sa planetang Eath. (Yung totoo, isa talaga siyang alien. Wag kang maingay ha?)