“Huling Mensahe Para Sayo”
by: ehXperience
May mga bagay talagang hindi mo inaasahang mangyayari
Andito nanaman ang pag ibig ko sayo
Hinding hindi ko magawang iwasan ka
Aaminin ko, hindi parin talaga kita maalis sa isip ko
Lagi kong pinipilit sa sarili ko na pabayaan ka
Pero siguro panandaliang ligaya ka lang sa damdamin ko
Andaling sabihin na tama na
Ramdam na ramdam ko parin ang kilig na kagaya ng una nating pagkikita
Idaan ko man sa inom
Ni-isang pursyento ay hindi mawala
Kasalanan bang minahal ka?
Iwasan mo man ako ay ayos lang
Talagang wala akong magagawa
Ako naman talaga ang puno’t dulo ng lahat
– Matapos basahin ang maikling tula, hanapin ang nakatanong mensahe na nais ko iparating para sa aking babaeng minahal.
- Huling Mensahe Para Sayo - April 20, 2020