fbpx

Para Sayo


Nagsimula ang lahat sa simpleng pagkakaibigan, yung tipong lagi kang nandyan kapag ikaw ay kailangan.

Palagi mo akong dinadamayan sa tuwing nararamdaman mong ako ay may pinagdadaanan, ipinaparamdam mo sakin yung kakaibang pakiramdam na hindi ko alam kung dapat ko bang maramadaman.

Sapat na ba ang pinapakita mo para ako ay maging sigurado? O kailangan ko pa ng permiso?

Aasa na ba ako? 

Sana hanggat maaga pa lang ay maklaro na, para hindi na ako umabot sa puntong sayo ay aasa, pero wala lang pala.

Tatanggapin ko ang mga sasabihin mo.

Nakakatuwa man yon o makakasakit sa damdamin ko.

O pwede rin na ituloy na natin ang kwento para ako na mismo ang makadiskubre ng sagot sa tanong ko.

Carmela Hermogenes
Latest posts by Carmela Hermogenes (see all)