Ang ngalan ko ay Bryan, lumaki ako sa pamilya na maka-Diyos at malapit sa simbahan. Ngunit hindi ko sila katulad, ako ang tipo ng bata na mas gugustuhin pa maglaro sa bukid at masugatan kaysa sumama sa pamilya na mag-simba. Naniniwala parin naman ako sa Diyos ngunit ayaw ko lang na mag-simba dahil maraming tao at may takot ako sa masisikip na lugar. Hindi naman ako pinipilit nila mama na sumama sa kanila pero hindi sila napapagod na ayain ako kahit tatakbuhan ko lang naman sila.
Noong aking ika-labing tatlong kaarawan ay nilapitan ako ni mama, tinanong niya ako kung ano daw ba ang balak ko noong araw na iyon. Ang tanging sagot ko lamang ay wala akong balak. Umupo si mama sa tabi ko at tinanong niya ako kung nais ko ba sumama sa kanila na mag-simba. Nanatiling hindi ang sagot ko hanggang tinanong ako ni mama, “Bryan, para saan ka ba nabubuhay?” hindi ako nakasagot at lumabas na simama sa kwarto ko. Nang kinagabihan noong araw na iyon ay napaisip ako sa tanong ni mama at napagtanto ko na wala akong koneksyon sa Diyos, naluha ako noong mga sandaling iyon. Nang sumund na lingo ay hindi ko na inintay na ayain ako nila mama, nag-kusa na ako na sumama sa kanila na mag-simba.
Ipinakilala ako ni mama sa mga kaibigan niya sa simbahan at kay Padre Micheal. Napadalas ang pagsama ko sa simbahan at di nag-tagal ay kinatuwaan ko na ang pag-punta rito. Madalas akong nakikisali sa mga proyekto na inilulunsad ng simbahan, naging parte rin ako ng mga mang-aawit at di kalaunan ay nagsilbi bilang sakristan.
Isang araw ay mag-isa akong pumunta ng simbahan upang mag-dasal at humingi ng gabay, ako lamang ang nag-iisang tao sa loob ng simbahan noong araw na iyon kayat sa harapan ako lumugar. Lumuhod ako at ipinikit ko ang aking mga mata at nag-umpisa magdasal. Pagka-dilat ko ay bumulaga sa harapan ko si PadreMicheal, inaya niya ako mag-miryenda sa kumbento. Matapos naming mag-miryenda ay pinasunod nya ako sa kanyang silid dahil may nais daw siyang ibigay sa akin na kaniyang nabili noong sila ay nagpuntang Batangas. Pagpasok ko sa kaniyang silid ay isinara niya ang pinto at ang mga bintana, ako’y kaniyang pinaluhod. Lumuhod ako sa pag-aakalang kami ay magdadasal ngunit bigla niya ako binusalan, tinali ang aking mga paa at kamay, at nilagyan ng piring sa mata.
Naglakad ako pauwi, nangangatog ang aking mga tuhod at ang mga mata ko ay lumuluha. Pagkauwi ay dali-dali kong pinuntahan si mama at niyakap tinanong niya ako kung ano daw ba ang nangyayari sa akin. Naalala ko ang sinabi sa akin ni mama noong bata pa ko, na kinakatawan ng mga pari ang Diyos. Kaya’t tinanong ko si mama, “Mama, may libog po ba ang Diyos?”
- Sumasalangit Ka - April 18, 2020