fbpx

In love, si PUSO o si ISIP?


Pano mo masasabing handa ka na magmahal?

Kapag ba malapit na mag-February o December?!

Kailan nga ba tayo dapat magmahal? Kapag Valentine’s day?!

 

Wait, para ba sayo, ANO ANG LOVE?

  • “Love is blind.”
  • “Love is like a rosary that is full of mystery.”
  • “Love is in the air.”
  • “Love is sacrifice.”
  • …at marami pang iba…

May mga pangyayari na hindi natin maiiwasan kapag pag-ibig na ang pinaguusapan, kung minsan ay may mga ‘di pagkakaintindihan…

 

Kung minsan ay gusto mo na siya pero may mga dahilan kung bakit hindi pa pwede o ayaw mo pa. Pwedeng may pangako ka sa iba o sa sarili mo kaya hindi mo magawa. Isipin man ng ibang tao na masama ka, pinaglalaruan mo lang, niloloko mo lang, o kung anu ano pa… wala silang pakialam dahil hindi nila alam ang totoong dahilan kung bakit mo ginagawa yun, hindi nila alam na nahihirapan ka din sa ginagawa mo, at lalong hindi nila alam na nasasaktan ka din. At kung sabihin man nila na hindi mo kasi sinasabi ang dahilan, yun ay dahil hindi mo naman kailangan sabihin para lang ma-please sila na hindi ka talaga ganung klaseng tao.

 

Hindi madali ang magdesisyon kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan. Minsan ay nagiging ‘tanga’ o kaya ay ‘manhid’ tayo dahil sa mga desisyon natin. Hindi natin alam kung ano ang susundin para masabing handa na tayo magmahal, PUSO ba o ISIP?

 

Marami nang nasaktan at nakasakit dahil sa tinatawag na LOVE, dahil ba sa PUSO na “nakakaramdam DAW ng love” o sa ISIP na “nagdedesisyon kung ano nga ba ang tama“?Don't forget 'Team work'.

  • Kapag sinunod mo daw ang puso mo magiging masaya ka. Hindi naman maitatanggi na tama yon pero naisip mo ba ang long-term possibilities? Maraming nagsisisi at nagsisi dahil sa pagsunod sa puso kaya’t bakit gusto mong makiisa pa? May kasabihan nga na “Sa una ang sarap, sa huli ang hirap.”
  • Kapag isip mo naman daw ay magiging successful ka. Hindi din maitatanggi pero naisip mo ba na malungkot ang mag-isa. Marami rin nagsisisi at nagsisi sa pagsunod sa isip dahil ang dati nilang mahal ay wala na sa kamay o piling nila kahit nakuha man nila yung tagumpay.

 

Sa totoo lang, mahirap talagang sabihin kung alin ang dapat sundin dahil pareho itong mahalaga. Dapat lang alamin kung paano gamitin ng tama. Matututunan naman ito bawat araw kaya hindi mo kailangan magmadali dahil lang malapit na ang Valentine’s day o malamig ang simoy ng hangin ng Disyembre at naiinggit ka sa iba o kaya ay kinakantsawan ka ng iba. Hindi naman masama o mahirap ang maghintay basta’t may paninindigan ka at may prinsipyo ka. Kung si God nga nagsacrifice ng buhay para sa ikabubuti ng lahat, maliit na sacrifice lang ang paghihintay at pagdedesisyon mo ng tama bakit hindi mo pa magawa. Para naman sayo yan, at para na rin sa kanya.

 

 

KAPAG NAGKAISA ANG NARARAMDAMAN NIYO AY SIGURADONG WALA KAYONG PAGSISISIHAN!

kaya…

 

 

SUNDIN MO KUNG ANO ANG GUSTO NG PUSO MO AT ANG TAMANG DESISYON NG ISIP MO PARA SA KINABUKASAN NIYO!

dahil…

 

 

 

 

KAPAG PINAG-ISA MO ANG PUSO AT ISIP MO, PARA MO NA RIN PINATUYAN SA MUNDO KUNG ANO ANG IBIG SABIHIN NG TUNAY AT TOTOONG PAGMAMAHAL!!!

As one.

 

Teka lang!!! SINGLE KA BA?

Tingin ko ay HINDI. Dahil kung sa Facebook ay meron tayong mga MUTUAL FRIEND na tinatawag, in real life naman meron tayong…

 

MUTUAL LOVE AND LOVER!

Sino?! Check mo ang status ko kung pareho ba tayo…

 

 

 

 

‘IN A RELATIONSHIP WITH GOD’!!!

 

May bf/gf/asawa ka man o wala, ito ang relationship na hindi pwedeng ma-break o i-divorce ninu man, walang kabit o querida, lahat legal at habambuhay ang kontrata. Siya ang totoong nagmamahal sayo sa kabila ng lahat ng kasalanan, pagbabalewala, at paglayo mo sa Kanya hindi pa rin Siya napapagod at hinding hindi ka Niya iniwan. 

Huwag kang mag-alala kaibigan, hindi ka Niya kailanman iiwan o lalayuan kaya wag kang mahiyang umamin sa kanya, ipagmalaki mo Siya, wag ka mahiya at isigaw mo sa mundo…

 

 

 

 

I LOVE YOU GOD!!!

Krypton Scire
Latest posts by Krypton Scire (see all)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *