fbpx

My Angel Chapter 2


Kinabukasan, same-same.. Sinsinimulan ko ng tanggapin sa sarili ko na ka-share ko ang kalikasan sa lahat ng bagay.. Gaya ng pagshare ng mga palaka sa balon na kinukunan ko ng panligong tubig.. Chill mga kapatid.. Palakang bukid ‘to.. Malinis daw ‘to.. Kinakain pa nga daw e.. Tsaka si Will, so far wala naman akong nakikitang kulugo sa katawan niya.. So safe talaga siya.. Sorry, kino-convince ko din sarili ko..

Sakto lang yung dating namen sa school.. Pagkalagay ko ng gamit sa upuan ko, niyaya na ko nina Dexter at Prince bumaba para sa flag ceremony.. 

Ganun na nga naging setup.. Magkatabi na kami ni Angela.. Kala ko may absent lang kahapon kaya may bakanteng seat.. Yun pala, nakareserved talaga yun for me.. 

“Good morning..!” nakangiti kong bati kay Angela.. And ngumiti lang siya.. 

PEHM..

Nagdiscuss ulet ng konte si Sir Luarca.. Then yung actual na sayaw na.. 

Nagkatinginan kami ni Angela.. Nagpapakiramdaman kung kami ba ulet ang magpapartner.. Lumapit na ko sa kania.. 

“Tayo na lang ulet..?” tanong ko.. 

Then she offered her hand the moment na nagstart yung bilang ni sir..

And for some reason, natutuwa talaga akong titigan siya.. Ang ganda niya.. Feel ko ako si Naruto and kasayaw ko si Hinata.. Ang ganda ng mata niya.. Ang lambot ng kamay niya.. And she moves with animal grace.. Nakakaaliw siyang panoorin.. And siguro napansin niya na nakatitig lang ako sa kania all this time.. That made her feel a bit uneasy.. Kaya tinigilan ko.. 

“Masyado siyang mahiyain.. Hindi siya pwede sa Manila.. Kakainin siya ng mga maarte at mayayabang dun..” isip isip ko.. 

Natapos ung sayaw.. And we went back to our seats.. 

Naramdaman ko na parang naiilang na nga siya saken.. Hindi siya tumitingin, hindi siya kumikibo.. Hindi ko alam kung anong iniisip niya.. 

Ok.. Social Studies na.. Wala lang.. Naboboringan din ako dito.. So tahimik lang ako.. Pero kanina ko pa napapansin na tingin ng tingin saken si Hannah.. Iniisip ko, ganun ba ko kapogi..? Crush ba ko nito..? Nakakailang din.. Hindi naman ako pansinin nung nasa Manila ako e.. Pero ok lang.. hehe.. Maganda naman siya e..

Saktong nasa paglalakbay ang diwa ko, iniisip yung mga tropa ko sa Manila nung;

“Mr.Crisostomo..?” pagtawag ni Sir Layante saken..

“Sir..?” medio nagulat ako.. Nagtawanan yung mga classmates ko.. Mukhang nahuli nga ako na hindi nakikinig..

“Can somebody repeat the question for our Manila Boy..?” sabi niya.. Lalo silang nagtawanan.. Then may isang bibong tumayo at umulit nung question..

“Who built the Great Wall of China..” sabi nia..

“Mga chinese malamang..” bulong ko sa isip ko.. Hehehe.. 

“Ahh.. Emperor Qin Shi Huang of the Qin Dynasty..” sabi ko..

“Ooooohhhh..” sabay sabay na bulong nung mga classmates ko..

“And what is the purpose of that..?” added question ni Sir..

“The wall was built as a defense from the barbaric attacks from the north.. It also aids the transportaion of goods as part of the Silk road..”

“Ok.. And how long is the Great Wall?”

“21,196 Kilometers.. Stretching from the Gansu province in the west to Yellow sea in the east..” sagot ko..

“Very good..” sabi ni sir..

Then nagpalakpakan silang lahat..

“Panis..” bulong ko.. I told you, nauna yung lesson namen sa Manila.. hehe..

Natapos yung klase ng Social.. May lumapit saken na babaeng classmate ko.. Yollai yata name niya.. ewan, yun yung tawag sa kania e..

“Hoy, Jared.. San mo nabasa yung sagot mo..? Anong chapter..?” sabi nia..

“Ahh.. sa book.. ewan ko kung pareho tayo ng book na ginagamit.. Iba yata ung book dun sa dati kong school e..” sagot ko..

“Ang galing mo..”

“Wala yun.. Chamba lang.. kung iba yung tinanong, baka hindi ko nasagot..?” sabi ko..

Then, recess na.. sinabay ako nina Dexter..

“Idol, ang lupet mo.. Ang talino mo pala..” sabi ni Prince..

“Chamba lang yun pre..” sabi ko..

“Dapat tayo na magkakatropa.. Para magkopyahan tayo pag exam..” si Dexter..

“Sige ayos yan..” sabi ko..

Pero after kong bumili ng sobrang malupet na “Burger”, bumalik na ulet ako sa room..

And I saw her again.. nagbabasa.. Si Angela..

“Hey Angela, kain..” sabi ko..

Tumingin lang siya tas ngumiti.. Expected ko yun.. But somehow, ok sana kung sumabay nga siyang kumain saken.. kahit ilibre ko siya..

Then Filipino na.. Pinagsulat lang kami.. Balangkas ng malayang pagsulat.. Kung anu man ung ibig sabihin nun, wala akong idea.. Hindi ko nga alam kung ano ibig sabihin ng balangkas e..

Then, eto na yung kinakatakutan ko.. Values Education.. Magpeperform ako..

“Mr.Crisostomo, ready to showcase your talent..?” sabi nung teacher ko..

Tumayo ako, pumunta sa harapan.. Ayoko sana kaso sa harap daw talaga.. Nagpalakpakan sila.. Lalo akong kinabahan.. Nagsimula akong kumanta.. 

“High on diesel and gasoline

Psycho for drum machine

Shaking their bits to the hits, oh oh

Drag acts, drug acts, suicides

In your dad’s suits you hide

Staining his name again”

Yep, “The Beautiful Ones” by Suede yung kinanta ko.. and as expected, hindi nila alam yung song.. so nakatunganga lang sila saken habang kumakanta ako.. Nakakahiya talaga.. Hindi naman ako panget kumanta.. sabi nga nila, may boses daw ako.. Pero hindi naman ako sanay kumanta sa harap ng maraming tao.. Ni hindi nga ako sanay kumanta sa videoke e..

Nagpalakpakan ulit sila.. Nakakainis.. Kasi alam kong pumapalakpak lang sila dahil kailangan.. not because naappraciate nila yung talent ko.. dapat talaga wala ng ganito ganito pang nalalaman e..

Bumalik ako sa seat ko.. Pero napapansin ko talaga na hindi ako iniimikan ni Angela.. Hindi nia ko tinitingnan.. Pero bakit nga ba ako nageexpect..? Para saan..? Ewan ko.. Basta parang hindi ok saken na ganun, na after naming maging magpartner kanina sa sayaw, biglang maiilang siya saken.. Sobrang obvious yata na tinititigan ko siya..

Tas ayun, lunch na.. Hindi ako nagbaon kasi nga sasabay ako kina Dexter at Prince.. Ok nga dito sa kainan sa labas.. 7pesos ung ulam, 5pesos ung kanin.. katalo na.. Tas piso ung ice tubig.. Yung ulam, puro gulay.. Oks lang, kumakain naman talaga ako ng gulay e..

Pagbalik ko sa room, nasa loob na yung ibang classmates namen.. Si Angela, nagbabasa pa din.. Lumapit ako sa kania.. 

“Tapos ka ng maglunch..” sabi ko.. 

Tumango lang siya.. Eyes are still focused on what she’s reading.. Fail..! Mukhang ayaw na nga niang makipag-usap saken.. 

Then dumating na ung Math Teacher namen.. Ewan ko.. Natatakot ako sa kania.. Ang terror ng datingan.. 

Nagsimula na siyang magdiscuss.. This time pinilit kong i-absorb ung mga tinuturo.. Nakakasabay pa ko nung simula.. Pero kasi, napakadaling mawala ng focus ko e.. Lalo na pag math.. Like now.. Naiintindihan ko pa yung tinuturo ni Ma’am Delmo (Yung math teacher), pero may ibon na dumapo sa may bintana nung room namen.. Buti pa ung ibon.. Nakakalipad kahit saan.. Kung magiging ibon ako, lilipad agad ako papuntang Quezon City.. Pupuntahan ko yung mga tropa ko sa Tandang Sora.. Tas aayain ko silang mag-counterstrike.. Yahahaha.. Ang saya nun.. Tas nagreminisce ako nung masasayang araw ko kasama sila.. Nung napalaban kami ng pustahan sa ibang school.. Nanalo kami nun pero hindi nagbayad ung mga kalaban.. Ayun suntukan sa loob ng computer shop.. Tas nung kasama ko yung kaklase ko, nanonood kami ng bold sa computer shop.. Tas nahuli kami nung nanay nia.. Sinundan pala kami sa shop.. Yahahaha.. Nagkapaluan bigla.. Yahahahaha.. 

Tas naalala ko, nagdidiscuss nga pala si Ma’am.. Pero nung tiningnan ko ung board, wala na.. Hindi ko na alam kung anu yung mga nangyari.. Kanina, konti pa lang yung mga numbers tsaka mga letter letter na nakasulat.. Variables yata tawag dun.. Ngayon, halos puno na ung board.. Wala na.. Hindi ko na naintindihan.. Pinilit ko pa ding unawain.. Pero nahihilo na ko.. wala talaga.. parang nagsasayaw lang yung mga numbers.. tas may quadrant quadrant pang nalalaman.. wala.. Buti hindi nagpa-quiz..

After ng Math, Biology na.. Medio ok ako dito.. Pag Science, medio may alam ako.. Mabait pa yung teacher namen.. Si Sir Macatangay.. Nagdiscuss siya ng tungkol sa mga cells ng halaman.. Ok, general science lang pala ako magaling.. Medio ayoko ng mga cells cells na yan.. Pero no choice.. Kailangang makinig.. 

After non, T.H.E. naman.. Ayun.. Mukhang focus na focus si Ma’am Medina sa pagpapatubo namen ng kabute.. 

The day was out.. Medio nasasanay na ko.. Although namimiss ko yung datingan ng Manila.. Yung paglabas mo ng school, may divisoria sa harap ng gate.. Pwede kang bumili ng laruan, bumunot ng sisiw at dagang costa, kumain ng mangga at singkamas na may alamang.. Dito sa Mindoro, pag uwian, uwian na.. Siguro kasi madaming pang house chores na gagawin after ng school.. Kagaya namen ni Will.. Magiigib pa kami ng tubig na inumin.. Magpapatuka ng manok.. Itatali ung kalabaw sa puno.. 

Ok lang.. Dalawa’t kalahating taon lang ‘to.. Babalik na din ako sa Maynila.. 

Weeks passed.. Wala namang exciting.. Sa PEHM lang namen yung medio ume-eksena kasi every week, nagpapalit kami ng inaaral na sayaw.. Pag dating daw kasi ng February, magpeperform kami sa field demonstration.. Foundation day yata tawag dun.. 

Then, by mid-October, Intramurals.. Hindi ako interesado.. Player ako ng Chess nung elementary pero hindi na ko nakakapaglaro e.. Lakas ng hatak ng Counter Strike tsaka Dota.. 

“Red, anong sasalihan mong laro sa intrams?” si Dexter.. 

“Wala..” sabi ko.. 

“Wala kang alam na laro?” tanong nia.. 

“Dota (Defense of The Ancients)..” sagot ko.. 

“Anong dota?” 

Shit!!! Wala pa nga palang dota dito.. 

“Hinde.. Wala.. Wala akong laro.. Marunong akong magbasketbol.. Pero hindi ako magaling..” sabi ko.. 

“Volleyball?” 

“Hindi rin..” 

“Sa Sabado, punta kayo samen.. May naglalaro ng Softball dun.. Makikilaro tayo.. Practice lang.. Malay nio, makuha tayong player ng school..” sabi ni Prince.. 

“Sige.. Sige.. Yayayain ko si Will.. Marunong daw un e..” sabi ko.. 

“Ay oo.. Player kami nun dati nung elementary..” sabi ni Prince.. Classmates pala sila ni Will dati.. 

Tas ayun.. Sabado na nga.. Habang nangangahoy kami ng panggatong;

“Will.. Punta tayo dun sa Buho.. Kina Prince.. Softball tayo..” sabi ko.. 

“Marunong ka ba nun?” tanong nia..

Medio nainsulto ako dun ah.. Minamaliit yata ako nitong mokong na ‘to ah.. 

“Ang dali-dali lang nun e.. Papaluin mo lang yung bola nun e..” sagot ko.. With conviction.. Pero sa totoo lang, hindi pa ko nakapaglaro non.. 

“Sige.. Mamayang hapon.. Paalam tayo kay nanay..” sabi nia.. 

After namen mangahoy, nagtanghalian na kame.. Medio nasasanay na din ako sa mga usual na pagkain dito.. Puro ginataang gulay.. Ginataan langka, kamansi, laing na gabi.. Pag minsan na nakakapunta si Tiya Linda sa bayan, tsaka lang kami nakakatikim ng karne at isda.. 

Then after kumain, naligo na kami tas pumunta sa Buho.. Parte din un ng barangay namen.. Medio malaki lang talaga ‘tong barangay Nabuslot kaya malayong lakaran din papunta don.. 

Pagdating namen sa “venue”, may naglalaro pa.. Pero ang daming tao.. Hindi ko alam na big sports pala dito ang softball..

May mga girls na tumitingin samen ni Will.. Namumukhaan ko yung iba.. Mga schoolmates namen.. 

Nakita na kami ni Prince.. Kumakaway.. Pinapapunta na kami sa pwesto nila.. Nandun na din si Dexter.. 

“Hi Jared..!” sabay na sabi nung dalawang babae.. Mga schoolmates nga namen.. Pero mga 3rd year na yata.. 

“Hello..” sabi ko.. Pero hindi na ko tumingin.. Hindi ko sila type..

Saktong natapos na din agad yung naunang naglalaro.. Kami naman.. Kami ni Will ang kumumpleto sa line-up.. 

Kami unang papalo.. 

“Ano Jared? Gusto mo ikaw na unang batter?” sabi ni Prince.. 

“Kayo muna.. Mamaya na ko..” sabi ko.. Actually, hindi ko pa kasi alam kung ano ung “batter”.. Nalaman ko lang na yun pala ung papalo nung bola nung pumwesto na si Dexter..

Syempre, seryoso yung panonood ko.. Dapat hindi ako magkalat.. Dapat hindi nila malaman na ngayon lang ako maglalaro neto.. 

Unang hagis, sablay..!! Hindi tinamaan ni Dex.. Strike 1.. Yahahaha.. Duling!! 

Pangalawang hagis, strike 2.. Bahahahaha.. Mahina pala ‘to si Dexter.. 

Pangatlo.. Strike 3.. Ayun.. Strike out si Dexter.. Yahahhahahaha.. 

Ayos..!! Basta ang kailangan ko lang gawin ay tamaan ng hampas ko yung bola, sure na ko na hindi ako yung mababansagang bano.. 

“Nu ba naman yan Dex.. Duling ka ba??” sabi ko.. Yahahaha.. Hindi siya naka-imik.. Napahiya siguro.. 

Tas yung isa naming kakampi na ang papalo.. Hindi ko siya kilala pero parang nakikita ko siya sa school.. 

Unang hagis, strike 1.. Hindi na naman tinamaan e.. Yahahaha..

Ang hihina ng kakampi ko.. Ako pa yata ang inaasahan nitong mga ‘to e.. Ako magbubuhat ng team.. Yahahaha.. Ang henyo ng softball, Jared Crisostomo.. 

Pangalawang hagis.. Sablay na naman.. Strike 2..

Pangatlo, ayun.. Tumama na.. Yung bola, pumunta dun sa gawi ng 1st base.. Tumakbo yung kakampi namen dun to take the base.. 

Tas si Will na ung papalo.. 

Unang hagis.. Paak!!! Sapul agad.. Ang lakas!! Dun din sa gawi ng 1st base yung direction ng bola.. Tumakbo si Will dun para kunin yung base.. 

“Aha!! I, therefore conclude, kung saang base ung direction ng bola, dun ka tatakbo..” sabi ko sa sarili ko.. Oraaayt!!! 

“Ikaw na Red.. Galingan mo ha..” sabi ni Prince.. 

Grabe ang kaba ko.. Ngayon pa lang talaga ako maglalaro nito.. Nanlalamig ang kamay ko.. Pakiramdam ko nilalagnat ako sa nerbyos.. Medio nabibingi na ko.. Maingay ang paligid pero inaudible.. Wala akong naiintindihan sa mga naririnig ko.. 

“Kaya mo yan, Jared.. Kaya mo yan.. Basta tamaan mo lang yung bola.. Kaya mo yan..” bulong ko sa isip.. Ine-encourage ko din ung sarili ko.. Self-cheering.. 

Pagkahagis nung pitcher, todo focus na ko.. PAAAK!!!! Ayos!! Tinamaan ko agad.. Hindi strike!!! Yahahaha.. Tas nakita ko ung bola, lumipad sa gawi ng 3rd base.. Mabilis akong tumakbo papuntang 3rd base.. 

“Prrrrrt.. Prrrrrrrt..” pito nung umpire.. Tas malakas at sabay-sabay na tawanan ang umalingawngaw sa paligid.. 

“Baket?? Anyare?? May mali ba kong ginawa..?” tanong ko sa sarili ko.. “Hindi naman nila nasalo ung palo ko ah.. Hindi naman ako lumampas dito sa base..” 

Lumapit saken si Prince.. Nakangiti.. 

“Sabi mo marunong ka..??” sabi nia.. Dun ko lang napagtanto na may mali nga yata akong nagawa.. 

“Bakit?? Tinamaan ko naman ah..” sabi ko.. 

“Oo, nga.. Kaso bakit dito ka sa 3rd base agad tumakbo??” sabi nia.. 

“Ha?? Kala ko, kung san gumawi ung bola, dun ka tatakbo..” 

“Hindiiii.. Kahit san pa gumawi ung bola, sa 1st base ka unang tatakbo.. Tapos, pag pumalo na yung sunod na batter, dun ka tatakbo sa 2nd base.. Siya naman sa 1st base.. Paikot un.. Isa-isa mong dadaanan ung bawat base hanggang makarating ka sa home base..” paliwanag nia.. 

Tangina.. Tangina talaga..!!! Sobrang nakakahiya nga pala nung ginawa ko.. Gusto ko ng malusaw at gumapang pauwi ng bahay.. 

“Sori umpire.. First time maglaro.. Ulet na lang..” sabi ni Prince.. 

So ayun nga.. Pinabalik ako.. Papalo ulet ako.. 

Pero dahil sa sobrang nawala na ko sa hulog, wala, nastrike out ako.. Tatlong hagis, wala akong tinamaan.. 

Natapos yung game.. Talo kame.. Gusto kong magtakip ng mukha nung papaalis na kame, kasi mapapadaan kami dun sa may mga babae.. Nakakahiya talaga.. 

Habang naglalakad.. 

“Langya ka.. Kala ko mahusay ka.. Niyabangan mo pa ko kanina..” sabi ni Will.. 

“Wag mo ng paalala..” sabi ko.. 

Tawa pa din siya ng tawa.. 

Tas ayun.. Intrams na nga.. 2days ang intramurals dito.. Pero wala talaga akong balak salihan.. Hinati yung bawat year level sa dalawa.. Bale, 6 sections lahat ng 2nd year.. Hinati sa dalawa.. So dalawang teams.. Tag tatlong sections bawat team.. Ganun din ginawa sa ibang levels..

“May marunong bang magsepak takraw dito? Taas kamay ng marunong..” tanong ni ma’am Marayan.. Yung adviser namen.. 

Walang nagtaas ng kamay.. Wala rin naman akong idea kung anu yun e.. 

“Wala? Walang marunong?” 

Tas nagtaas ng kamay si Dexter.. 

“Ma’am kami po.. Marunong po kami..” sabi nia.. 

Napatingin kami ni Prince sa kania.. 

“Sinong kayo?? Sinong kasama mo?” tanong ni ma’am.. 

“Kami po.. Si Jared tsaka Prince..” sabi nia..

Nagulat kami pareho ni Prince.. 

“So kayo na players ng team naten..? Ililista ko na kayo..” tanong samen ni ma’am.. 

“Ahhh.. O-opo.. Opo..” sagot ni Prince.. 

“Tangina mo.. Bakit mo sinabing marunong tayong magtakraw??” sabi ko kay Dexter.. 

“Yaan nio na.. Para lang may participation tayo..” sagot nia.. 

Umuwi muna kami ng bahay.. kailangan daw naka sports attire ako.. Kumuha ako ng shorts tsaka rubber shoes.. Kumain din ako ng tanghalian tas bumalik na ko sa school..

2pm ung schedule namen against the other team.. mga 1st year teams and 2nd year teams ang magkakalaban.. tas 3rd year and 4th year teams..Tama nga naman.. Hindi naman fair na ilaban ung mga freshmen at sophomores sa mga junior at seniors..

Pero gusto pa din namen sapukin si Dexter.. Pinasali kami dito sa game na ‘to na wala naman akong idea kung pano laruin..

“Madali lang ‘to.. Parang sipa-tingga lang ‘to.. Bola nga lang yung gamit..” sabi ni Dexter.. Kinukumbinsi kami ni Prince..

“Oo, parang Volleyball lang ‘to na paa yung gamit..” dagdag ni Prince..

“Sige, bahala na.. Pare-pareho naman kaming hindi marunong e.. Nakapaglaro naman ako nung sipang tingga dati.. Ok lang matalo.. Basta naglaro..” sabi ko sa sarili ko..

Ninenerbyos na naman ako.. First time ko din lang maglalaro nito.. Ang dami pang nanonood..

“Go Jared..!” sigaw nung isang babae.. Napatingin ako.. Si Hannah..

‘”Thanks..” sabi ko.. sabay ngiti..

Ang ganda niya.. Siya nga pala yung muse ng team namen.. Wala namang ibang mapili e.. I mean, I’m not saying na hindi magaganda yung ibang schoolmates ko, pero angat kasi yung ganda ni Hannah.. Pang-artista.. Matangkad.. Makinis.. Her long, black hair framing her face.. Tas kahawig ni Nancy Castiglione.. Lupet di ba..? So mahirap talagang pumili pa ng iba.. Lalo na, kasi may special award para sa mga muses.. Pero actually, may isa pa kong naiisip na pwedeng lumaban e.. Si Angela.. Kaso hindi marunong mag-ayos..

So ayun na nga.. Game na.. Mukhang batak na ‘tong mga kalaban namen.. Pero ok lang.. Chill lang kame.. 

HINDE.. HINDI KAMI CHILL.. NINENERBYOS DIN KAME.. KAHIYAAN NA ‘TO..

First set.. Ako yung nag-“tekong”.. Yung taga serve.. ihahagis saken ni Prince yung bola, tas sisipain ko.. The rule is, dapat hindi sumayad sa lupa ung bola.. Para talaga siyang volleyball, pero paa yung gamit..

Kung kabado kami, mas kabado pala yung kalaban namen.. Hindi sila makapagbalik nung bola.. Mas bobo sila kesa samen.. yahaha.. Panalo kami sa first set.. 21-6.. Yung 6 na score nila, error lang namen yun..

Second set, ganun din, panalo ulet kami.. 21-8.. Nakakatuwa pala ‘tong laro na ‘to..

Lakas ng cheer nung mga “fans” namen..

“Sabi ko sa inio madali lang ‘to e..” sabi ni Dex..

“Gagu.. Bano lang yung mga kalaban naten..” sabi ko..

Next game namen is right after the game na sumunod samen..

“Ang galing mo naman..” sabi ni Hannah habang inaabutan nia ako ng Gatorade..

“Hey.. Thanks..” sabi ko..

“O bakit siya lang..?” sabi ni Dexter..

“Baket? Si Jared ka ba..?” sagot ni Hannah..

Ayun.. Tablado si Dex.. So ang ginawa ko, ininom ko yung kalahati then inabot ko sa kania yung tira..

Ok game na.. Kami na ulet.. 2nd year na ung kalaban namen.. Kanina kasi 1st year..

Mas kinakabahan ako.. kasi yung iba daw na kalaban namen, naglaro na nito before..

And true enough, tambak kami.. Magagaling na sila.. First set, 21-10.. Panalo sila..

Second set, mas dikitan.. Pero lamang talaga sila.. 21-16.. Panalo pa din sila..

Ok lang.. Try namen bumawi bukas.. apat na teams lang naman yung naglalaban e.. 2 teams ng First year.. 2 teams ng Second year..

“Ok lang yun.. Bawi tayo bukas..” banat ni Dex..

“Bawi tayo bukas..?? Mukha bang kaya nating humusay overnight?? Matatalo naten sila..?” sabi ko..

“Ikaw masyado kang nega.. malay mo naman.. malay mo, mapilayan sila.. malay mo magka-LBM sila bukas.. De tayo na Champion sa level naten..” sabi nia ulet..

Nag-stay pa ako ng konte sa school before umuwi sa bahay.. nagcharge ako ng phone..

That night, sa bahay..

Wala.. Naubos ang load ko kakatext sa mga tropa.. Ang lalakas mangdemonyo.. Kinekwentuhan ako nung mga gimik nila.. Ini-inggit ako.. Urat na talaga ako.. hindi na pwede ‘to.. Tatapusin ko lang ang 2nd year tas babalik na ko sa Manila.. kahit magalit pa si daddy.. Ayusin ko lang talaga ngayon.. Dapat maayos yung grades ko dito para sure na may tatanggap saken sa mga schools sa Manila..

Pero naisip ko din yung games bukas.. Since naglaro na din lang naman ako, bakit hindi ko pa ayusin.. Mukhang wala naman akong pag-asang makuha sa basketball team..

Ok, game na..

Do or die na ‘to.. pag natalo kame, laglag na sa standing.. First year ulet kalaban namen.. Ayos!! Kagaya din lang sila nung una naming nakalaban, mga bano pa.. hehehe.. ayun, panalo kami..

After ng lunch, kakalabanin na namen ung isang team ng second year.. Malamang matalo ulet kame, pero at least, championship na ‘to.. matalo man kami, 2nd placer pa din.. Twice to beat sila, so kakailanganin nameng manalo ng dalawang beses para magchampion..

Game time..

Kabado ako.. Pero feel ko yung kaba lang na yun yung naghihinder saken para makapaglaro ng maayos e.. Marunong naman akong magsipa.. Its just a matter of ball control.. Kaya ‘to.. Si Prince din, seryoso na.. Si Dexter, ewan, mukang hindi natulog e.. Mukhang puyat na kambing.. Pero reding-redi siya..

First set..

Medio dikitan.. Maganda service namen.. Hindi sumasablay.. Yung kalaban naman, medio sablay.. Hindi nakakasalo ng maayos, pumapalya pa yung serve nila.. Ewan, pero parang may pag-asa kaming manalo this time.. Malaki talaga nagagawa ng determination.. Tsaka seryoso kami ngayon.. Panalo kami ng first set.. 21-17..

Second set..

For some reason, mas lalong olats na yung laro nila.. Kinabahan na din siguro.. it’s true, mas may alam sila samen.. Last year daw, sila na rin ung players e.. Pero siguro, masyado nila kaming minaliit.. Tas kami naman, determined to win.. Fact is, parang humusay nga kami overnight.. Ang ganda ng ball control namen.. halos wala kaming error.. Game was up.. 21-12.. panalo kami..

“Ano?!?! Naniniwala na kayo..?? sabi ko sa inio mananalo tayo e..” si Dexter..

“Ang husay mo ngayon pre ah..” sabi saken ni Prince..

“kayo rin e.. pano nga nangyari yun..? natulog lang tayo, tas kinabukasan, mahusay na tayo..?” sabi ko..

“Siguro over confidence sila..” sabi ni Prince.. Oo, gusto ko ng i-correct yung over confidence pero pinigilan ko ang sarili ko.. Para hindi masira ang momentum.. 

“Basta we should never compiance.. Para hindi sila makabawi..” sabi ni Dex.. 

“Ha?” nakakunot noo ako.. 

“Basta wag tayong magkokompyansa..” paglilinaw nia.. 

Napa-iling na lang ako.. Compiance amputa.. 

“Uminom ako ng gatas ng kalabaw kahapon.. epektib pre.. para akong kalabaw ngayon..” sabi Dexter..

“Tanginang kalabaw, e mukhang hihimatayin ka na nga kanina e..” si Prince..

“Basta ganun pa din laro naten mamaya.. Malay naten, masulot ulet naten..” pahabol ni Dexter.. 

After lunch ung second game.. Kabado na kame.. siguradong babawi yung kalaban namen kanina.. Kahit natalo namen sila nung first game, pag natalo kami ngayon, sila pa din ang champion.. Kasi nga, may twice to beat advantage sila.. Actually, ok lang naman talagang matalo kami e.. Tanggap namen na mas magaling sila.. But since nandito na din lang kame, why not do our best..? Baka lang naman.. Baka maka-chamba..

Ok game!!

Set 1..

Todohan na agad.. Nagulat kami sa mga galaw nila.. May diin.. Bumabayo sa bawat spike.. Something na hindi pa namin kayang gawin.. Pero nasasalo namen.. Oo, basic ang moves namen pero mas sigurado.. Dikitan ang laban.. 15-13.. Lamang sila.. Humingi kami ng time-out..

“Pre, salo lang tayo.. ibalik lang naten ng simple.. hayaan natin silang bumayo.. sumasablay naman sila e.. basta depensa lang..” si Prince.. Magaling nga ‘to sa strategy..

“Mahina ung Apit Kiri (Left Netter).. Dun ko papupuntahin palagi ung bola..” sabi ko..

Dumadami na din ung nanonood.. Now if you’re thinking na maganda yung laro, as in exciting, actually it’s not.. hindi pa kami magagaling.. So medio basic talaga yung laro.. hindi pa siya kasing brutal nung mga pro na players.. Para kaming naglalaro ng volleyball pero walang nagsspike.. Saluhan lang ng bola.. Nakakasalo naman kami pero unlike dito sa kalaban namen, binabalik lang namen ng easy.. Walang bayo at all.. Umaasa lang kami sa error nila.. 

Pinilit naming lumaban ’til the end ng set kaso mas maganda ung control nila sa bola.. Talo kami sa first set, 21-17..

“Ano? Lalaban pa ba tayo..?” sabi ko..

“baket? May second set pa e..” sabi ni Dexter..

“Nagpapagod lang tayo.. hindi naman tayo mananalo dito..” sagot ko..

“gagu.. nandito na rin lang tayo e.. mas nakakahiya kung hindi naten tatapusin e..” sabi ni Prince.. 

“tapusin na naten pre.. Think positive lang..” dagdag pa nia..

Nagdatingan na din ung mga classmates namen, mga karatig sections na kasama namen sa team.. All out support.. lalo na yung mga beki.. Ang ingay na.. At ayoko ng ganito.. Ang daming nagchi-cheer.. Tas matatalo din lang kami.. 

Game! Set 2.. Pina-upo nung kalaban yung pinaka-magaling nila..

Ayos! Medio mahina yung pinalit nila.. mas dikitan ngayon.. pero lamang pa din sila.. kaso nagstart na din kaming mag-error.. 10-8.. Lamang pa din sila.. nagserve ako, sablay.. hindi lumampas sa net.. nakakahiya.. Ang dami pa naman naming “Fans”.. Nafu-frustrate nako.. Si Dexter at Prince din, sumasablay na.. 16-10.. Tambak na kame.. Tahimik na yung mga nagchi-cheer samen..

Isang serve pa ng kalaban, and hindi ko nasalo ng maayos.. “Tangina talaga!!!” naisigaw ko out of frustration habang dindampot ung bola na na-outside..

“Kaya pa yan.. Galingan mo Jared..” sabi nung mahinang boses sa harap ko.. Hindi ko pa nakikita kasi nakatungo ako nung kinukuha ko ung bola.. Pero kilala ko ung boses na yun.. Hindi ko madalas marinig, pero kilala ko yun.. Tumingin ako.. Si Angela.. And trust me when i say na parang anghel ung boses nia, anghel talaga.. Malambing na babaeng-babae.. Wala ni katiting na kalandian or whatever..

“Hey, thanks.. nanonood ka pala..” sabi ko.. and she gave me the sweetest smile.. And it completely rocked my world.. Hindi ko crush ‘to si Angela.. Pero I think, masaya ako pag nakikita ko siya.. I find this unexplainable zest by merely knowing that she’s there.. That she’s around..

“Watch ka lang.. Mananalo kami..” sabi ko.. and she smiled again..

“Mananalo kame? E 4pts na lang, panalo na yung kalaban e..” bulong ko sa sarili ko..

Back to the ballgame..

“Dex, pag nakaserve pa tayo, babaan mo lang yung hagis.. Mags-spin ako.. kakargahan ko ng pektus ung sipa ko.. baka umepek..” sabi ko..

“Sigurado ka pre ha.. mahirap un..” sabi nia..

“Oo.. Try lang naman e..”

Sumablay ung serve ng kalaban.. So nasamen ung bola.. sinenyasan ko si Dex.. Binabaan nga niya yung hagis.. Then as planned, hindi direct hit yung ginawa ko sa bola.. Pinektusan ko na sakto lang ung lakas para makatawid sa net.. Service ace.. ayos..

And hindi ko napigilang mapangiti dun sa ginawa ko.. Effective nga siya.. Napatingin ako kay Angela.. Pumapalakpak siya.. Lalo akong ginanahan.. nahirapan yung kalaban na sumalo ng service ko.. kung masalo man nila, hindi nila makontrol ng maayos kasi nga may spin.. 17-17.. nakatabla na kami.. ayos..

And it’s as if, sinaniban ako ng ispirtu ng sepak takraw god.. Parang ang galing kong kumontrol ng bola bigla.. Kahit sina Dex at Prince, hindi makapaniwala.. 

Natapos ung 2nd set 21-17.. Panalo kami.. Tumingin ulet ako kay Angela.. And i caught her looking at me.. Ngumiti ulit siya saken.. 

Third set..

Lumaro na ulet ung ace player ng kalaban.. Kung ikukumpara yung laro ko sa laro nia, e wag na lang tayong magkumparahan.. Medio malayo e.. Masyado na siyang mahusay.. Now, narealize ko na kaya namen sila tinalo nung unang game, kasi hindi siya naglaro.. 

Maganda pa din ung ball control namen.. Kaso hindi na halos kami nakapagserve kasi sunud-sunod yung puntos nia, nung ace player.. Ang lakas ng mga bayo nia.. 

Talo kame, 21-8.. Tambak.. Champion sila.. Second placer lang kami.. After naming makipag kamay, bumalik na kami sa room.. Nagpalakpakan pa din yung mga “cheer leaders” namen.. 

“Ok lang yan, at least lumaban..” “Bawi tayo next year..” 

“ang gagaling niyo..” 

Yan ung mga words of encouragement na pinagsasasabi nila.. 

“Ang galing mo kanina..” si Hannah.. Inabutan ulet ako ng Gatorade.. 

“Hey.. Thanks.. Kaso talo e..” sagot ko.. Kinuha ko yung Gatorade kasi dehydrated na din ako.. Tas napansin ko na hindi na niya suot yung charm bracelet niya.. Ung nahulog last time.. Nasira na nga siguro.. 

Nakaisip tuloy ako ng plano.. Since binibigyan nia ko ng Gatorade, bibili ako ng charm bracelet tas bibigay ko sa kania.. Para makabawi.. 

Then nilapitan ko si Angela.. 

“Hey.. Sori.. Talo kami..” sabi ko.. 

“E mas magaling sila e.. Pero ang galing mo din ha..” sabi nia..

And then narealize ko, naguusap na ulet kami.. Medio matagal din nung huli kaming nagusap e.. Siguro hindi na siya naiilang saken.. 

Nidas Mascariñas
Latest posts by Nidas Mascariñas (see all)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *