fbpx

Binallay


O anung sarap Ang iyong dala,

Sa tuwing ikay aking tinitikman,

Kulay mo palang ay nakabibighani na,

Malaporselana Ang iyong kaputian,

Tiyak na sa malayo palang ay matatanaw na,

Hindi man ganun kadaling tanggalin Ang malaberde mong kasuotan,

Ay ayus Lang dahil iba pag ikaw Ang siyang aktwal na makikita,

Mas sumasaya Ang lahat pag ikaw di na balot ng dahon,

Mata at labi Ng lahat ay nagkukumahog na ikaw ay malamon,

Ngunit Hindi magiging madali Ang  lahat,

Dahil iniwang mong bakas ng kalagkitan ay kumapit sa kamay,

Siguradong Mang iistorbo ang lagkit mong dala,

Ngunit kapag kapiling mo Ang laro ay siguradong walang kapantay,

Mas dumudulas, mas sumasarap sa panlasa ng lahat,

Tamis na iyong dala ay sakto sa panlasa,

Pagpapatunay na Isa kang tanyag at tatak ng pagkakakilanlan,

Ika nga nila, simbulo ng iyong kaputian Ang Puong May Kapal,

Samantalang Ang laro mong sawsawan ay Ang dugo ng Tagapagligtas,

Kaya Naman tuwing papatak Ang semana santa ikay laging nandyan,

Ikaw na hinahanap ng bawat mamayan ng Syudad ng Ilagan,

At siyang kumukumpleto sa Mahal na araw,

Walang iba kundi Ang mahal na Binallay,

Geremi Allauigan
Latest posts by Geremi Allauigan (see all)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *