Hindi ba ‘yung mga thermo gun, non-contact? Ang galing ‘no? Tipong di na kailangang dumikit sa balat para lang malaman ang temperature natin.
Pero napaisip lang ako, paano ba yun nagwo-work? Paano pala kung may dumapong langaw sa noo natin habang kinukunan ng body temperature gamit ang nasabing baril?
Kanino’ng temperature ang makukuha? Sa ‘tin o yung sa insekto?
Anybody can answer me? Malamang wala. At malamang i-bash pa ako ng ilan d’yan na kesyo nagpapagulo lang ako o dadagdag pa ng problema.
Sorry na ha Ito kasing utak ko puro kalukohan ang alam. Ang daming random thoughts na naglalabasan, palibhasa ang dami nating time ngayon para mag-isip, kaya nga nakapagtataka kung bakit yung iba di ‘to ginagawa. Hindi man lang napansing may mali na sa nangyayari sa paligid, sa kapwa, sa gobyerno, sa bayan o sa Solar System…
gaya ng lamok sa thermo gun.
- GISING NA!!! - May 7, 2020
- PETENG “ctto” YAN! - May 1, 2020
- Tara! Commute tayo…(kahit sa guni-guni lang) - April 15, 2020